UMARANGKADA na ang kampanya ng Bureau of Fire Protection (BFP) kontra paputok bilang pagtalima sa kautusan ni Dept. Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas para tiyakin na ligtas sa sunog ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Kasabay nito, iinspeksyunin ng BFP ang mga pagawaan at tindahan ng paputok sa capital firecracker ng bansa sa Bocaue, Bulacan.
Ayon kay BFP officer-in-charge Chief Supt. Ariel Barayuga, iinspeksyunin nila ang mga firecrackers at pyrotechnics establishment bilang bahagi ng proyekto ng BFP na “Oplan Paalala 2014: Iwas-Paputok, Sakuna at Sunog.
Sinabi ni Barayuga na ang BFP Central Office kasama ang BFP-Region 3 sa pakikipagtulungan ng PNP, kukumpiskahin ang mga iligal na paputok upang hindi na ito maibenta pa at hindi na mapasakamay ng publiko.
Sinabi pa ng hepe ng BFP Na ang mga tambakan ng paputok na may sobrang imbak ng paputok ay hihilingan na bawasan ang mga produkto ng paputok upang maiwasan ang aksidente. Kabilang din sa sisiyasatin ang mga tindahan ng paputok upang matiyak na ang bawat tindahan ay may apat na fire extinguishers handa sa oras ng sunog at isang drum ng tubig at kalahating sako ng buhangin na magagamit sa sandali ng sunog.
“Maayos naman po ang inspeksyon generally pero ang problema, mayroon pong ibang establisyemento na pakatapos ng unang inspeksyon ng ating mga tao ay saka na inilalagay ang mga imported at iligal na mga paputok na atin pong ipinagbabawal. Isa na rin po ang pagpapabawas natin ng ibang mga paninda sa ilang tindahan kasi dapat po may hangin pa rin na mag-circulate sa loob upang maiwasan ang pamumuo ng mainit na hangin na maaaring magdulot ng sunog,” ani ni Barayuga.
Sinabi pa ni Barayuga na kung ‘di maiiwasan ang paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon, pinaalalahanan nito ang publiko na bumili lamang ng paputok sa mga regulated na tindahan ng paputok. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment