KINALDAG ni super GM Wesley So si American GM Sergey Erenburg upang itarak ng Pinoy ang malinis na five points sa fifth round ng North American Open 2014 Open Section sa USA kaninang umaga.
Kinalos ni top seed So, (elo 2762) si Erenburg (elo 2601) sa 49 moves ng French Defense upang masolo nito ang liderato papasok ng round six.
Makakataktakan ng isip ni So sa susunod na laro si GM Jianchao Zhou (elo 2587) ng China sa event na ipinatutupad ang nine-rounds swiss system.
May nalikom na 4.5 points si Zhou matapos nitong kaldagin si GM Vladimir Georgiev (elo 2517) ng Macedonia.
Kaagaw si Zhou sa second to third place si GM Julio Bederra (elo 2546) ng Florida, USA.
Bukod kay Erenburg ang ibang biniktima ni world No. 10 player So ay sina FM Ali Morshedi (elo 2266), IM John Daniel Bryant (elo 2367) na mga taga-California, IM Roman Yankovsky (elo 2436) ng Russia at super GM din na si Timur Gareyev (elo 2621) ng host country sa rounds 1, 2, 3 at 4 ayon sa pagkakahilera.
Sina Pinoy US-based woodpushers GM Enrico Sevillano at IM Ricardo De Guzman ay magkasalo sa eighth to 21st place hawak ang tig-3.5 points.
Matapos ang tatlong sunod na draw sa rounds 2, 3 at 4, pinagpag ni Sevillano (elo 2465) si FM Eugene Yanayt sa round five habang nauwi sa draw ang laban ni De Guzman kay IM Chen Wang (elo 2473) ng China.
Inabot lang ng 25 sulungan ng Sicilian bago tinagpas ni Sevillano si Yanayt habang 59 moves ng Torre Attack ang labanan nina De Guzman at Wang.
Kaharap nina Sevillano at De Guzman sa sixth round sina FM Atulya Shetty at Erenburg ayon sa pagkakasunod.
Samantala, umalagwa ang live rating ni So sa 2769 kaya naman kapag nagpatuloy ang pamamayagpag nito ay may posibilidad na malampasan niya sa pang siyam sa World si GM Hikaru Nakamura na may 2777.1 elo rating. ELECH DAWA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment