Monday, December 29, 2014

BuCor director Bucayu, pinagpapahinga muna

PINAGBABAKASYON muna ng ilang kongresista si Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayo.


Panawagan ni 1-BAP Rep. Silvestre Bello III kay Bucayo na makabubuting mag-leave muna ito habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigations (NBI).


Ito’y kaugnay sa natuklasang drug operations at marangyang pamumuhay ng ilang druglords sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).


Kung magli-leave aniya ang director ay makatutulong upang

matiyak na malinis sa anomang impluwensya nito ang magiging findings ng NBI.


Kahit patuloy ang pagdami ng mga nananawagan kay Bucayu na mag-leave ay suportado pa rin ito ni Justice Secretary Leila de Lima.


Ang panawagan naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares kay Pangulong Aquino na itigil na ang pagtatalaga ng mga retireadong opisyal ng militar sa alinmang posisyon sa BuCor.


Bagama’t aminado ang kongresista na hindi niya personal na kilala si Bucayu ay sinabi nitong lantad naman aniya na mga tiwali at palpak ang mga retiradong heneral ng AFP at PNP kaya hindi dapat maglingkod sa penal system ng bansa.


Hindi aniya nababagay ang mga ito na mangasiwa sa mga bilangguan dahil hindi sila bihasa sa tinatawag na restorative justice at rehabilitasyon ng mga bilanggo. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



BuCor director Bucayu, pinagpapahinga muna


No comments:

Post a Comment