Tuesday, December 30, 2014

KARNENG TAO, MARIJUANA AT BULATE PARA KAY KAREN

NAPATIKIM tayo ng mga hamburger at sausage ng McDonalds makaraang masiyahan tayo sa drama nina Karen at ang lolo niyang mapagmahal kahit may sakit nang kalimot sa katandaan.


“Ito’y para sa paborito kong apo, si Karen,” sabi ng lolo habang hinahati nito ang hamburger.


Masarap nga ang McDo dahil sa “puro” karneng baka ang palaman ng hamburger at puro baka ang bumubuo ng sausage nito.


Pero teka, nagpapakatotoo kaya ang kompanyang ito?


KARNENG TAO


Nitong August 17, 2014, naglabas ang isang PhilippineTV.net, batay naman sa inilabas ng Huzler.com, ng ulat na natagpuan umano ng mga ahente ng Federal Bureau of Investigation ang mga karne ng McDo na may kahalong karne ng tao.


Isang FBI agent umano na nagngangalang Lloyd Harrison ang nagsabing 90% ng suplay na karne ng McDo Oklahoma ang naglalaman ng karneng tao.


Trak-trak umano ang na-intercept o naharang nila habang papuntang headquarter ng McDo ang mga ito.


Pero galing umano sa mga baby na tao ang karne at nag-iimbestiga na umano ang FBI rito.


SATIRE LANG


Makaraan nito, sinasabi naman ng TruthOrFiction.com na satire o nakatatawang pagpuna lang ang inilabas ng Huzler.com.


Ang masama lamang umano sa ulat ng Huzler.com ay hindi nito pinaghihiwalay ang katotohanan at kathang isip lang.


Kabilang sa mga sinasabing may lamang karne ng tao ang pink slime o mga tira-tira sa pagkatay gaya ng mga litid na nagmumukhang pink dahil hinahaluan o ibinababad ito sa ammonium hydroxide.


Peke rin umano ang sample na ginamit ni celebrity chef Jamie Oliver sa paglalabas ng ulat sa pink slime.


Kung ano ang totoo, bahala na kayong tumuklas ng katotohanan.


KARNENG HAPON


Talaga namang mahirap paniwalaan na naghahalo ang McDo ng karneng tao sa mga burger at sausage nito.


Pero dahil sa balitang ito, naalala natin ang mga cannibal o mga taong nagtuturing sa karneng tao na pinakamasarap sa lahat ng mga karne.


Marami ngang matatanda at beteranong sundalo ng USAFFE at Philippine Scout noong World War 2 ang nagkukwento na kinakatay nila ang mga nahuhuli nilang mga sundalong Hapon.


Ewan natin kung kayabangan lang iyon. Masarap daw ang tao, ang karneng Hapon.


Kung totoo ang cannibalism at kung totoo ang kwento ng mga beterano sa World War 2, totoo rin kaya ang ulat ukol sa McDo?


Mariing itinatatwa ng McDo ang ulat at hindi masama na paniwalaan natin ito.


KABAYO AT BULATE


Paano naman ang paghahalo ng McDo ng karneng kabayo at bulate umano sa mga karneng baka nito?


Ayon naman sa Daily Buzz Live, may halong bulate ang mga burger at sausage ng McDo.


SabiHuzlers.com, may kabayo.


Pareho ang Daily Buzz Live at Huzlers.com na nagsasabing galing sa FBI o kaya sa US Department of Agriculture ang mga balita.


Syempre pa, ipinagpipilitan ng McDo na 100% karneng baka ang kanilang burger at sausage. Bahala na kayo, mga Bro, na umalam ng katotohanan.


Ang maganda siguro ay magsagawa rin ang ating sariling gobyerno, sina PNoy, ng sariling pag-aaral kung totoo o hindi ang mga balita.


ANG TOTOO


Pero merong totoo na balita: ang pagkakaroon ng McDo ng karneng bilasa o expired na inihahalo sa bago.


At natagpuang ginawa ito sa Shanghai Husi Food Co. sa Tsina at pag-aari ng Illinois-based OSI Group.


Bago nadiskubre ang kalokohang ito, matagal na palang nagsusuplay ang Husi ng ganitong klase ng karne sa McDo, Starbucks, KFC at Pizza Hut.


Bilyon-bilyong katao na pala ang biktima ng iskam na ito.


Sana naman, ito lang ang totoo at hindi totoo na may karneng tao, kabayo at bulate ang McDo. Para naman masiyahan nang totoo ang lahat ng lolo at ang lahat ng kanilang apo na sina Karen.


Hehehe!


PASALUBONG O BAON


Malapit na ang Bagong Taon. Malapit na rin ang kapistahan ni Itim na Nazareno. At nakadikit sa mga ito ang pagdating ni Pope Francis sa mahal kong Pinas.


Kailangan natin ang magaan na pagkaing pupwedeng ibulsa na lang at dudukutin na lang kung tayo’y nagugutom.


‘Yan ay kung gusto nating makipagsiksikan sa milyon-milyong katao sa araw ni Itim na Nazareno at pagdating ni Pope Francis.


Maganda ring pasalubong ang magaan ding pagkain na kumpleto na sa ulam at kanin o katumbas ng kanin gaya ng hamburger.


Bahala na kayo, mga Bro, kung hamburger at sausage na inipit sa tinapay ang inyong babaunin o pasalubong.


o0o

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


.. Continue: Remate.ph (source)



KARNENG TAO, MARIJUANA AT BULATE PARA KAY KAREN


No comments:

Post a Comment