REBELASYON ang pagkapanalo ni Derek Ramsay bilang Festival Best Actor para sa “English Only Please”. Tinalo niya ang mga nominadong sina Robin Padilla, Coco Martin at Dingdong Dantes.
Tuwang-tuwa ang kampo ni Derek. Sey nga ng manager niyang si Joji Dingcong “Truly a good start for a new happy year”.
May ilang nagsasabi na dapat daw ay si Robin ang nag-win. Mukhang nalungkot tuloy ang kampo ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo dahil habang humahakot sila ng awards at nakuha nila ang Best Picture, nasilat naman sila sa Best Actor at Best Actress category.
Sa mga nakapanood na ng dalawang pelikula, hindi raw pahuhuli ang acting ni Derek kay Binoe. Pwede silang tie. Kahit sino sa dalawa ay puwedeng manalo. Rebelasyon si Derek sa “English Only Please” at kaya pala niya ang ganoon klaseng role. Kumbaga, bago sa panlasa ang ginawa ng hunk actor.
Halos paghatian ng Bonifacio:Ang Unang Pangulo at English Only Please ang technical at major awards.
May nagtatanong naman kung masusungkit din ba ni Angeline Quinto ang pagiging Festival Best Actress kung natuloy siya sa proyekto. Hindi kaya nanghihinayang na ngayon si Angeline na hindi siya pinayagan na makasama si Derek Ramsay sa nasabing pelikula. Bagama’t second choice lang si Jen, wagi naman siya ng Best Actress Award.
“Congratulations JEN! Finally nasungkit mo na rin ang mailap na Best Actress Award. After 10 years in this business, you have proven your worth and versatility! We are all so proud of you! Love you Beh!,” post naman ng kanyang manager na si Becky Aguila sa kanyang Facebook Account.
Sa gabi ng parangal ay na-realize din namin na si Jennylyn pala ang pinakamabait sa lahat ng alaga ni Tita Becky na hindi umalis sa kanya, naging loyal at hindi rin siya nakalimutang pasalamatan nang tanggapin nito ang kanyang unang best actress trophy.
Pinasalamatan naman ni Lotlot De Leon ang kanyang mga magulang na sina Boyet De Leon at Nora Aunor na naging inspirasyon niya sa pag-aartista. Sana raw ay maging proud sila sa award na natanggap niya bilang Best Supporting Actress sa Kubot: The Aswang Chronicles 2. Naging emosyonal si Lot nang tanggapin niya ito.
Sigurado namang may multa sina Derek Ramsay (Best Actor) at Joey Marquez (Best Supporting Actor) na wala sa gabi ng parangal. Kung hindi kami nagkakamali, nabawasan ang cash prize last year ni Maricel Soriano bilang Best Actress dahil wala siya mismo sa gabi ng Parangal.
Naging emotional si Lotlot De Leon ng tanggapin ang Best Supporting Actress Award para sa Kubot: The Aswang Chronicles 2 at nagpasalamat sa kanyang mga anak at magulang na naging inspirasyon niya sa pag aartista.
Anyway, congrats sa mga nanalo ng awards. Inaabangan ngayon kung aangat ang kita sa takilya ng mga pelikulang humakot sa Gabi ng Parangal. ‘Yung mga pelikulang nangunguna kasi sa box office, siya namang nganga sa awards.
Eto ang list ng buong winners
Best Festival Float – Bonifacio: Ang Unang Pangulo, Face of the Night – Nadine Lustre , FPJ Memorial Award for Excellence – Bonifacio: Ang Unang Pangulo, Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award – Bonifacio: Ang Unang Pangulo, Youth Choice Award – Bonifacio: Ang Unang Pangulo, Highest Commemorative Award – Joseph Estrada, Commemorative Award for Vision and Leadership MMFF and MMDA Chairman Francis Tolentino,Guillermo de Vega Memorial Award (posthumous) – accepted by wife Maria de Vega.
NEW WAVE SECTION: Best Actor – Allen Dizon for Magkakabaung,
Best Actress – Zsa Zsa Padilla for M, Mother’s Maiden Name, Best Supporting Actor – Kristofer King for Marabatbat, Best Supporting Actress – Gloria Sevilla for M, Mother’s Maiden Name, Best Film Director – Jason Paul Laxamana for Magkakabaung , Special Jury Prize – M, Mother’s Maiden Name, Best picture – Magkakabaung
MAINSTREAM:Best Picture: Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Second Best Picture: English Only, Please, Third Best Picture: Kubot: The Aswang Chronicles 2, Best Actress: Jennylyn Mercado (English Only, Please), Best Actor: Derek Ramsay (English Only, Please), Best Supporting Actress: Lotlot de Leon (Kubot: The Aswang Chronicles 2), Best Supporting Actor: Joey Marquez (Kubot: The Aswang Chronicles 2), Best Sound Engineer: Wild Sound (Bonifacio: Ang Unang Pangulo), Best Musical Score: Juan de Guzman (Bonifacio: Ang Unang Pangulo), Festival Best Theme Song: Juan de Guzman (Bonifacio: Ang Unang Pangulo), Best Child Performer: Ryzza Mae Dizon, Best Festival Make up Artist: (Kubot: The Aswang Chronicles 2), Best Visual Effects: Mothership (Kubot: The Aswang Chronicles 2), Best Production design: Erickson Navarro (Kubot: The Aswang Chronicles 2), Best Editor: Marya Ignacio (English Only, Please), Best Cinematographer – Carlo Mendoza Bonifacio: Ang Unang Pangulo, Best Original story: Antoinette Jadaone and Dan Villegas (English Only, Please), Best Screenplay: Antoinette Jadaone (English Only, Please), Best Director: Dan Villegas (English Only, Please) XPOSED/ROLDAN CASTRO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment