TINIYAK ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng manok at baboy kahit matapos na ang holiday season.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary for Livestock Jose Reaño, sobra-sobra ang suplay ng manok at baboy sa bansa kahit na tumaas ang demands nitong nagdaang Pasko at sa darating na Bagong Taon.
Sinabi pa ni Reaño na karamihan din sa mga retailers ay nagbebenta ng manok at baboy na ayon sa itinakdang presyo ng mga paninda lalo na sa mga palengke batay sa aniya’y ginawa nilang paglilibot sa mga pamilihan.
Ang halaga ng pork liyempo ay P185 samantalang ang presyo ng manok ay P135 kada kilo.
Batay sa imbentaryo, umaabot pa sa 17.88-milyong kilo ng manok mayroon ang bansa na mas mataas kumpara sa 12.7-milyon noong nagdaang taon kaya’t walang dahilan na maitaas ang presyo nito dahil maraming suplay. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment