AYON sa manghuhulang si Robert Das, magkakaroon ng anak si Coco Martin kay Kris Aquino. Ginawa ni Das ang pahayag na ito sa isang interbyu niya sa show ni Vice Ganda sa ABS–CBN. Sa pagitan daw ng 2015 at 2016 maaanakan ni Coco si Kris.
Alam naman ng lahat ng taga-showbiz kung gaano ka-close ang aktor at ang magaling TV host kaya hindi imposibleng mangyari iyon. Unang nakarelasyon ni Tetay si Philip Salvador at nagkaanak siya rito, sumunod si former Parañaque Mayor Joey Marquez pero hindi siya nagkaanak dito bagkus binuko niyang nahawa siya ng STD kay Joey na nagdulot nang malaking isyu sa industriya. Na-link din siya noon kina Alvin Patrimonio, Robin Padilla at iba pa.
Sumunod siyang nagkaanak sa basketbolistang si James Yap, ngunit nauwi rin sa hiwalayan at demandahan, at later on nagkabati rin ang dalawa. Ngayon 2015, kay Coco naman natitsismis si Kris. Hindi kaya isang malaking kabiguan na naman ‘yan?
***
Isang partylist representative sa Kamara ang nagbabalak na sumali sa 2016 presidential election kung wala umanong ibang makakalaban sina Vice-President Jejomar Binay at Department of Interior and Local Government Sec. Mar Roxas.
Ayon kay OFW Family partylist Rep. Roy ”Amba” Señeres, Sr., hindi matanggap ng kanyang kalooban na sina Binay at Roxas lamang ang pagpipilian ng mga botante.
Ani Señeres, ayaw niya kay Binay dahil sa mga naungkat na isyu ng korapsyon laban dito habang si Roxas naman ay pasimuno ng contractualization sa bansa.
Noong 2010 pa nagdeklara si Binay, ng United Nationalist Alliance (UNA) na tatakbo sa 2016 presidential election habang si Roxas ng Liberal Party (LP) ay hindi pa nagdedeklara. Puro trabaho muna raw ang ginagawa niya at wala munang politika.
Sinabi naman ni Señeres na marami pa siyang ikinokonsidera bago magdeklarang tatakbo sa pagka-pangulo ng bansa.
“Hindi pa ako makapag-decide, pinag-iisipan ko pa eh,” sabi nito.
***
Last term na si Rep. Art Robes ng Lone District ng San Jose, Del Monte City. Sa next election ay tatakbo siyang Mayor ng nasabing lungsod. Isa sa mga sandata niya para makarating sa city hall ay ang kanyang kakayahan at tuloy-tuloy na serbisyong walang katapusan sa tao. Ganon din si Rida Robes na tatakbo naman bilang Congresswoman.
***
Ang indie film produced ni Boy Pilapil na may titulong Night Swimming ay magkakaroon ng premier night sa Isetan Recto sa January 10.
Kabilang sa cast ng pelikula ay sina Marvin Yap, Kc Miller, Jean Andrew, Samarah Garcia, Brigite Fonda, Nina Rossini, Bobby Lacson, Neil Suarez, Kim Orpiada, Nokie Manuel, JC dela Cruz, Alex Valdez at Bongjon Jose sa direksyon ni Jigz F. Recto.
***
Para mas maging masaya ang inyong Sabado, sabay-sabay nating balikan ang Grand Finals ng Super Sireyna Worldwide!
Tutok na po kayo sa Eat Bulaga, mga Dabarkads! Mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7 lang Po! PALABAN/GARY P. STA. ANA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment