TUMULONG na ang Australia sa paghahanap sa AirAsia flight QZ8501 na nawalan ng kontak sa air traffic control habang tumatahak sa Java Sea.
Matatandaang patungong Singapore ang AirAsia nang hilingin ng pilotong magpalit ng flight plan dahil sa masamang lagay ng panahon.
Ipinadala ng Australian Defence Force ang Royal Australian Air Force AP-3C Orion Maritime Patrol Aircraft upang tulungan ang search-and-recue team para sa nawawalang AirAsia flight 8501.
Ang search team ay pinangungunahan ng Singapore.
Ani Australian Air Chief Marshal Binskin, ang RAAF AP-3C Orion aircraft na may kapasidad sa search and rescue ay kaya ring magsagawa ng maritime search radar na may infrared at electro-optical sensors.
Kasama umano nito ang mga highly-trained crew members na magsasagawa ng search ops.
Ilang barko na ang naghanap sa lugar kung saan pinaniniwalaang bumagsak ang eroplano, malapit sa Belitung Island, dakong 6:49 a.m.
Ayon sa spokeswoman ng Indonesian National Search and Rescue Agency na si Annisa Noviantri, napilitan silang ihinto ang paghahanap dahil madilim na at masama pa ang panahon, dakong 5:30 p.m. noong Linggo.
Ang Flight QZ8501, Airbus A320-200 ay nawalan ng kontak sa air traffic control sa Jakarta dakong 6:17 a.m., Linggo, malapit sa Belitung Island, Indonesia, matapos silang umalis sa Surabaya.
Ayon kay Indonesian Air Transport Director Djoko Murjatmodjo, 161 katao ang sakay ng eroplano na naka-iskedyul na lumapag sa Singapore dakong 7:57 a.m.
Nagpahayag naman ng pagkalungkot sa AirAsia Indonesia CEO Sunu Widyatmoko at nangakong iimbestigahan ang tunay na dahilan ng aksidente.
Prayoridad umano nilang magbigay ng impormasyon sa latest developments ng search ang rescue team. NENET L. VILLAFANIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment