IPINAHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) na halos umabot sa 7,292 ang stranded passengers sa mga pantalang apektado ng bagyong Seniang.
Dahil sa sama ng panahon, hindi pa rin pinapayagan ng PCG na makabiyahe ang 373 rolling cargoes, 16 barko at 34 motor banca mula at patungo sa mga lugar na nasa ilalim ng Public Storm Warning Signal (PSWS).
Kabilang dito ang Cuyo Island, Calamian Group of Islands at Palawan na pawang inaasahang mas lalaki pa ang mga alon.
Batay naman sa Oplan Ligtas-Biyahe Krismas 2014 ng Department of Transportation and Communications (DOTC), umabot na sa 45,928 pasahero ang sumakay ng barko sa iba’t ibang pantalan sa bansa na hindi apektado ng bagyo hanggang alas-12:00 Martes ng hatinggabi.
Muling ipinaalala ng PCG sa mga biyahero na bawal magdala ng mga paputok ng walang kaukulang permit mula sa Firearms and Explosives Office (FEO) ng PNP. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment