INUGA ng 3.4 magnitude na lindol ang Davao Oriental kaninang umaga, Disyembre 1, 2014, Lunes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig sa kanluran ng Manay, Davao Oriental dakong 9:04 ng umaga.
Sinabi pa ng Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 176 kilometro.
Walang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment