Tuesday, December 30, 2014

Patay sa Bagyong Seniang, 35 na – NDRRMC

SUMIPA na ang bilang ng mga namatay dahil sa pananalasa ng Bagyong Seniang.


Iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama na 35 na ang naitalang patay hanggang Miyerkules ng madaling-araw.


26 naman ang sugatan habang walo pa ang nawawala.


Tulad ng mga naunang ulat, sinabi ni Pama na karamihan sa namatay ay mula sa Region 7 at 8, partikular sa Cebu, Samar at Leyte, at karamihan dito’y biktima ng landslide o kaya’y tinangay ng flashflood.


Ayon din sa NDRRMC, 27,397 pamilya o 121,737 residente ang apektado ng bagyo mula sa Region 6, 7, 10, 11 at Caraga. Mahigit 5,000 pamilya ang sumailalim sa preventive evacuation.


117 na ang naitalang nasirang bahay habang pumapalo sa P3.7 milyon ang nawasak sa agrikultura sa Agusan del Sur at Misamis Oriental.


Sinabi naman ni Pama na patuloy ang pag-ayuda ng gobyerno sa mga apektadong residente. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Patay sa Bagyong Seniang, 35 na – NDRRMC


No comments:

Post a Comment