SA unang paghaharap namin ni SPO4 Edgardo Cayanga, ng PNP-Talavera Police Station, Nueva Ecija, may naramdaman tayong kakaiba sa kanya.
Sa piskalya ng Bulwagan ng Katarungan sa Cabanatuan, Nueva Ecija kami unang nagkita ni SPO4 Cayanga makaraan niya tayong idemanda ng libelo dahil sa ating sinulat na sumbong laban sa kanya mula sa isang text message.
Sa mga kilos nito at expression ng mukha nito, mararamdaman mo kaagad na iba ang sumbong na naisulat natin sa dala nitong katauhan.
At habang napapadalas ang aming pagkikita dahil sa mga hearing sa kaso, lalo nating nalaman at napatunayan ang pagkatao nito.
Totoo pala ang mga pahayag nitong walang halong biro at masamang tinapay ang paggampan niya ng kanyang tungkulin.
Pinatunayan naman ito ng ating mga pagtatanong sa ilan nating kakilala at kaibigan nating mga pulis at reporter sa kanyang paligid.
At bilang patunay ng pagiging matino at mabait nito sa kahit sinong kanyang nakasasalamuha at ng tapat nitong paggampan ng tungkulin, hindi na sana siya na-promote sa maikling panahon mula sa ranggong SPO1 sa SPO4.
Napag-alaman din nating maraming parangal ang kanyang natanggap bilang pulis at bilang patunay na rin ng kanyang malinis na pagkatao at katapatan sa tungkulin.
Para kay SPO4 Edgardo Cayanga, inihahayag po natin ang ating taos-pusong paghingi ng paumanhin sa pagkamantsa ng kanyang pangalan, sampu ng kanyang pamilya dahil sa ating naisulat.
At para naman sa nag-text sa atin ng hinanakit laban kay SPO4 Cayanga, mangyari po bang magpakatotoo kayo para wala ni sinoman ang mapapahamak sa atin.
GAMIT PA RIN ANG NCRPO, SPD AT PNP
Patuloy na ginagamit ng grupo nitong alyas Tamayo ang PNP, NCRPO at SPD sa pangongotong ng mga iligal na pasugalan, birhaws, club at iba pang vice.
Ang tumatayo na mga taga-ikot ni Tamayo ay sina PO1 Niño at Espeleta. Ano ba ito?
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment