Sunday, December 28, 2014

Walang balak mag-celebrate kasama si Derek!

HUMIHINGAL sa kaba at hindi alam ni Jennylyn Mercado kung ano ang kanyang sasabihin sa kanyang acceptance speech nang siya ang tawaging winner bilang best actress sa katatapos na awards night ng Metro Manila Film Festival. Hindi raw kasi niya ito ini-expect.


Tinalo ni Jennylyn ang iba pang nominadong sina Vina Morales ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo, Erich Gonzales for Ahas episode ng Shake Rattle & Roll XV, at Carla Abellana para naman sa Ulam epsode ng Shake Rattle & Roll XV pa rin.


“Thank you Lord!” masayang pahayag ni Jennylyn nang makausap namin.


“Hindi siguro magiging maganda ang resulta kung walang mga nag-push sa akin. At saka ‘yong mga nagtiwala sa akin, syempre.”


Nag-expect ba siya na manalong best actress sa MMFF para sa taong ito.


“No!” sabay ngiti niya.


“No talaga. I swear!


“Hindi ko in-expect na mabibigyan ko ng ganitong klaseng award. First time ko ito sa comedy.


“At ngayon din lang ako talaga nagkaroon ng opportunity na makagawa ng comedy project. So proud ako kasi ito ang una kong comedy tapos nagkaroon pa ng maraming awards ‘yong movie.”


Bukod kay Jennylyn, nanalo nga ring best actor ang leading man niyang so Derek Ramsey. Nagwagi rin ang kanilang director na si Villegas at maging ang pelikula nila para sa mga kategoryang best original screenplay, best screenplay, at second best picture.


“First time namin ni Derek na gumawa ng comedy. So nakakagulat talaga!” na nanalo sila ng award ang ibig niyang sabihin.


Bago pa man ang MMFF awards night, marami sa nakapanood ng English Only Please ay bet nang sila ni Derek ang mananalong best actress at best actor. Hindi siya nagkaroon ng feeling na she might win nga dahil sa gano’ng feedback?


“Wala akong ibang naramdaman. Puro lang kaba, wala nang iba!” sabay tawa niya.


Posible kayang maulit ang pagtatambal nila ni Derek dahil maganda nga ang outcome ng kanilang unang pagsasama sa pelikula?


“I hope. I hope.


“Looking forward ako sa mga gano’ng project.”


May plano ba silang mag-celebrate ni Derek para sa kanilang panalo?


“Wala. Hindi kami nakapag-usap.


“Kita n’yo, hindi nga siya nakapunta. Kami pareho. Hindi nag-i-expect.


“Nandito ako to support my English Only Please family. ‘Yon lang!”

Maganda ang ang itinakbo ng career ni Jennylyn sa nakalipas na taong 2014. At may maganda agad siyang pambungad sa papasok na 2015 at ito nga ay ang MMYY best actress trophy na napanalunan niya.


“’Yon nga… ang unang-una kong pinasalamatan, si Lord. Kasi ang gandang Christmas gift nito na pa- rang… bago isara ang taon na ito.


“Na talagang…. Hindi ko in-expect. Thank you po!”


What does she look forward ba for 2015?


“Marami pang rom-com na movie or soap. Na-enjoy ko talaga ang comedy.


“Oo naman. Napakagaan na umuwi sa bahay na magaan ang pakiramdam at masaya.”


Ano ang masasabi niyang pinakamahirap sa unang pagsalang niya sa comedy?


“Sa totoo lang, mahirap magpatawa. ‘Yong timing, bitaw ng linya… mahirap siya.”


May pressure ba ngayong best actress na siya na dapat mas galingan pa niya sa kanyang mga susunod na projects?


“Dapat! Oo.”


Bukod sa mga awards na napanalunan ng kanyang pelikula, wish din daw niyang mas umangat pa ang standing ng pelikula sa box-office ranking ng walong MMFF entries.


“Oo naman po.


“Pero ang lagi ko ring sinasabi, importante para sa amin na lumabas ng sinehan ‘yong mga manonood na masaya. Na hindi nasayang ‘yong ibinayad nila.”


Masaya ang naging pagdiriwang ni Jennylyn ng nakaraang Pasko kasama ang kanyang pamilya. May nai-post pa nga siyang pictures sa Instagram na kasama nila ng anak niyang si Jazz ang ama nitong si Patrick Garcia at ang napangasawa ng actor na si Nica.


“Ay, opo!”


Saan sila nagkaroon ng chance na mag-bonding?


“Sa bahay namin. Dinalaw lang nila si Jazz. Madalas naman silang pumupunta. Tapos nagkwentuhan lang kami.”


Close sila ng misis ni Patrick?


“Oo naman po. Mabait na mabait si Nica.”


“Ilang araw na lang, New Year na. Paano niya ito isi-celebrate?


“Christmas countdown ng GMA po. Pagkatapos no’n, I will be with my family na,” panghuling nasabi ni Jennylyn. RUB IT IN/RUBEN MARASIGAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Walang balak mag-celebrate kasama si Derek!


No comments:

Post a Comment