WALANG problema sa Malakanyang kung lumutang man si pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles sa hearing ng Malampaya funds scam kung ang layunin nito ay mabigyan ng mas malinaw na detalye at kaalaman ang publiko.
Iyon nga lamang ay ipinaubaya na nito sa Senado kung padadaluhin nga si Napoles o hindi sa nasabing pagdinig.
“Sana’y magbigay ng karagdagang paglilinaw kung paano pinagsamantalahan ang Malampaya funds,” ayon kay Press Secretary Sonny Coloma, Jr.
Nagsimula na kanina ang kauna-unahang Senate Blue Ribbon Committee hearing hinggil sa ‘diumano’y maling paggamit ng P900-milyong Malampaya fund.
Ang unang salvo ng pagdinig ay nakatuon sa report ng Commission on Audit (CoA) ukol sa iregularidad na paggamit ng Malampaya funds dahil ito’y official government report ng usapin.
Kung matatandaan ay noon pang Setyembre itinakda ang Malampaya funds hearing subalit kapwa hindi available sina CoA chair Grace Pulido-Tan at Assistant Commission Susan Garcia.
“We will be inviting others, including JLN at the later hearings,” ayon naman kay committee chair Sen. Teofisto Guingona III. KRIS JOSE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment