Monday, December 1, 2014

Kasambahay na nais magpa-miyembro sa SSS, pwede na sa mga malls tuwing weekends

BINUKSAN na ng Social Security System (SSS) ang kanilang pintuan sa lahat ng kasambahay at iba pang domestic workers na nais maging miyembro ng SSS.


Ayon sa SSS, bilang pagtalima ng ahensya sa ipinatutupad na kasambahay Law (RA 20361) na layong mabigyan ng proteksyon at bigyan ng kaukulang benepisyo ang mga nabanggit.


Bukod sa SSS registrants, tatanggap din ng aplikasyon para sa mga kasambahay na magpaparehistro sa PhilHealth at Pag-IBIG tuwing weekends sa mga piling malls sa bansa.


Oras na maging miyembro ang naturang mga domestic workers ay may pagkakataon na silang makakuha ng mga benepisyo sa SSS tulad ng sickness, maternity, disability, retirement at death benefits bukod pa sa maaari itong makapangutang sa ahensya.


Ang mga malls na tatanggap ng registration sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG ay matatagpuan sa SM Molino, SM Rosales, SM Sta. Mesa, SM Lucena at SM Bacoor mula December 6 – December 14, Sabado at Linggo ng buwang kasalukuyan. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Kasambahay na nais magpa-miyembro sa SSS, pwede na sa mga malls tuwing weekends


No comments:

Post a Comment