PATAY ang isang 42-anyos na company driver nang saksakin sa dibdib ng kanyang kainuman makaraang sampalin at suntukin ng biktima ang suspek dahil sa sobra umano nitong kakulitan dulot na rin ng pagkalasing kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Rodel Santiago, ng 69 Guijo Extension, Bgy. Cembo ng naturang lungsod, sanhi ng tinamong malalim na saksak sa dibdib.
Nahaharap naman sa kasong murder ang suspek na si Virgilio Oprenanio, 42, construction worker, nakatira malapit sa naturang lugar na tinutuluyan ng biktima, makaraang maaresto ng mga rumespondeng mga pulis.
Sa isinagawang imbestigasyon ni SP02 Jayson David ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Makati City Police, alas-11:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa pinagyarihan.
Nauna rito, nag-iinuman umano ang biktima at ang suspek at nang makaubos ng ilang bote at malasing ang dalawa’y bigla umanong lumabas ang kakulitan ng suspek kung saan hindi na umano ito maawat ng biktima.
Dahil dito, sinampal at sinuntok pa ng biktima ang suspek upang matigil na sa kakulitan dahilan para kumuha ito ng kutsilyo at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima na agad naman nitong ikinamatay.
Naaresto naman ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Makati City police. JAY REYES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment