Monday, December 1, 2014

Pagbibigay ng ransom ng gobyerno, pinabubusisi

IPINABUBUSISI na ng ilang mambabatas mula sa Magdalo Partylist ang pagbibigay umano ng gobyerno ng P250-million ransom sa Abu Sayyaf kapalit ng kalayaan ng kanilang dalawang German hostages.


Naghain sina Magdalo Representatives Gary Alejano at Ashley Acedillo ng House Resolution 1679 na layong pangunahan ang inquiry “in aid of legislation” hinggil sa umano’y ransom.


Kung totoong may iniabot na bayad ay magkakaroon ito ng negatibong impresyon at lalong mahihikayat ang ASG na mandukot lalo ng mga foreigner.


Iginiit ng dalawang kongresista na dapat pairalin ng pamahalaan ang no-ransom policy.


Samantala, nanindigan ang Malacañang na walang ibinayad na ransom ang gobyerno kapalit ng kalayaan ng dalawang German na binihag ng Abu Sayyaf.


Ito ang binigyang-diin ni Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte, kasunod ng pangakong makikipagtulungan sa itinatakbo ng imbestigasyon.


Gayunman, tumanggi si Valte na magkomento sa kumakalat na video na nagpapatunay umano na may iniabot na ransom sa ASG.


Iginiit ng opisyal na hindi nila alam kung sino ang nag-upload ng nasabing video at wala silang anomang impormasyon hinggil dito. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagbibigay ng ransom ng gobyerno, pinabubusisi


No comments:

Post a Comment