Monday, December 1, 2014

BIKE TOURISM

NITONG nakaraang linggo ay kinati na naman ang mga pamadyak ng inyong lingkod kaya ora-orada akong bumiyahe sa Tuguegarao na bisikleta lamang ang gamit.


Ilang buwan na rin kasi ang nakalilipas magmula noong ako ay nag-bike ng malayo at ang huli ay aking ride sa Baguio.


Umabot na rin ako sa Sorsogon at madalas kong iniikot ang lawa ng Laguna na bisikleta lamang ang gamit. Madalas din akong pabalik-balik sa Tagaytay na paboritong destinasyon ng maraming biker.


Sa totoo lang, hindi na ako gaya ng mga propesyonal na biker pagdating sa tulin ng pagpadyak at sa katunayan ay folding bike lamang ang aking gamit.


Matiyaga lang tayo na pumadyak at maganda ang ating endurance kaya nararating natin kahit ang mga malalayong lugar.


Sa mga pagkakataon na nasisilayan natin ang mga napakagagandang tanawin ay nanghihinayang tayo dahil ni hindi ito napapansin ng ating mga kababayan.


Naisip ko, bakit kaya hindi itaguyod ni Tourism Secretary Ramon Jimenez ang “bike tourism” sa ating bansa?


Napakalaki ang potensyal nito sa turismo dahil ang cycling ang isa sa mga pinakasikat na sports sa buong mundo.


Dito pa lang sa Pinas ay napakaraming grupo ng mga siklista na maaring sumama upang maitaguyod ang bike tourism.


Sa katuyan, napakarami na ring mga aktibidad ang iba’t ibang bike groups na kung tutuusin ay maaring ihanay bilang uri ng bike tourism.


Napakarami ring siklista ang nagpupursigi na mag-ipon upang makapagbisikleta lamang sa Batanes.


Malaki ang magagawa nito upang mapaunlad ang turismo sa bansa.


‘Yan ay kung tututukan ito ng DOT at gagawa ng komprehensibong programa para maisakatuparan at mapaunlad ito. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


.. Continue: Remate.ph (source)



BIKE TOURISM


No comments:

Post a Comment