Monday, June 30, 2014

Mas excited pang pag-usapan ang movie kaysa sa kasal

TOTOO ba na sa Japan pa raw nag-propose ulit ng kasal itong si Luis Manzano kay Angel Locsin?


Ang kaso, matabang na raw talaga ang pakikitungo ng aktres kay Luis. Iniisip siguro ni Angel na baka bigla na namang magbago ang desisyon na pagpapakasal nila nitong si Luis, kaya naman parang dedma na si Angel sa mga pangako at alok na kasal sa kanya ni Manzano


Mas excited pa raw ngayon si Angel Locsin na pag-usapan ang kanyang gagawing pelikula sa Star Cinema na Darna.


Kunsabagay, matagal na talagang pangarap ni Angel na gawin itong Darna kaya naman mas excited ngayon ang aktres sa pagsisimula ng kanilang shooting. Kung sakali mang ngayon sila magpapakasal ni Luis, siguradong tatanggihan ito ni Angel dahil ang mas priority niya ang nabanggit na proyekto.


Teka lang, ilan na ba silang mga artista na pinapilian para mag-Darna? Kasama kasi nun sa mga lineup na gustong kunin ng Star Cinema para mag-Darna ay sina Christine Reyes, KC Concepcion at si Angel Locsin nga. Pero sa kalaunan, ito ngang si Angel ang napagdesisyonan ng Star Cinema na mag-Darna.


Tinanong din namin si Angel kung kelan ba nila plano ni Luis na magpakasal?


Ang balita kasing nakarating sa’min ay this year or early next year bago mag 2016 Election.


Di nga ba’t may plano pa nga itong si Papa Luis na tumakbong Mayor sa Lipa, Batangas ngayong 2016?


Kaya kung hindi magbabago ang napagkasunduan nila ni Angel, siguradong tatapusin muna nito ang Darna bago sila pakasal ni Luis at makahahabol pa sila bago maging abala sa pangangampanya itong si Luis para sa 2016 Election.


ooo


Totoo ba na tatakbo talaga for Senator para sa 2016 Election itong si Dingdong Dantes na jowa ni Marian Rivera? May isang friend kami na taga-Malacañang na nakausap namin tungkol sa planong pagtakbong ito ni Dong sa Senado.


Kaya nga ang daming nag-react at nagtaas ng kilay.


Sabi pa ng iba, sobrang matayog daw ang pangarap ni Dingdong Dantes para tumakbo sa pagka-Senador. At kung sino man daw ang nagbigay ng ilusyon na kay Mr. Dantes, dapat daw ipako sa krus at ipakain sa mga langgam.


May mga nagtatanong pa kung saan daw ba kukuha ng milyones na pondo ang GMA actor para sa kanyang ilusyon na pagtakbo sa Senado?


Kahit nga raw siguro Kagawad ng Barangay ang takbuhan nitong si Papa Dong ay baka hindi pa ito manalo?


Dapat daw nagsimula muna sa mababang posisyon in terms of politics itong si Mr. Dantes bago ambisyunin ang isang mataas na posisyon sa Senado.


May balita ring nakarating sa amin na popondohan yata ng Malacañang o ni President Noy ang nasambit na kandidatura ni Dantes.


Di ba sa mga naunang statement ni President Noy, hate niya ang mga taga-showbiz, matapos niyang patutsadahan ang mga artista at ipakulong ang dalawang Senador ng Bayan na sina Papa Bong Revilla at Jinggoy Estrada (a.k.a. sexy).


Bakit ngayon may mga isyung lumalabas na mismong si Pres. Noy at mga alipores niya sa Malacañang ang humihimok kay Dingdong Dantes na tumakbo for Senator ngayon 2016 Election?


Akala ba ni Pres. Noy at ng Malacañang ay sobrang dami na ng mga fans nitong si DingDong Dantes kaya umaasa silang mananalo ito sa pagka-Sendaor?


Dapat siguro ngayon palang mag esep-esep na si DingDong Dantes kung binobola lang ba siya ng kanyang mga sinasabing Advisers or Alipores.


Dapat siguro pagbutuhin na lang ni Dong ang kanyang pag-aartista bago ambisyunin ang pagiging Senador.


ooo

Para naman sa mga detalye, tawagan lamang o i-text si Mama Greta Loka sa kanyang cellphone number 09291282504.


The post Mas excited pang pag-usapan ang movie kaysa sa kasal appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mas excited pang pag-usapan ang movie kaysa sa kasal


Gawin bang big deal ang pagkakaroon ng make-up set ni Enchong!

NAMAN! obvious na si Enchong Dee ang palagi na lang bida sa blind item na paulit-ulit na topic ang pagkakaroon nito ng kumpletong gamit sa pag-make-up at may pahaging pang kumpirmasyon na meron daw pagkabading! Ows? Maraming artistang lalaki na may mga sariling make-up kit noon pang araw at bumibili na sila ng kanilang sariling make-up dahil ayaw nila nang marami ang gumagamit, lalo na ang spongha na ipapahid sa iba’t ibang mukha ng artista. Walang masama kung ang isang lalaki may sariling gamit pang make-up. Kasi nga naman, unsanitary kung sinu-sino na lang ang pinapahiran ng make-up artist.


May kilala akong action star na dala-dala niya sa shooting or taping ang kanyang mga gamit na pang make-up. Pulos stateside at imported baga. Tinanong namin kung bakit may sarili siyang dala gayong meron namang make-up ang production. Ang sabi niya, maigi na raw ang may sarili para iwas sa mga mikrobyo dala ng iba’t ibang balat ng tao. O, ‘di kainam naman maingat sa personal niyang hygiene. Kaya walang masama kung magkaroon ng sariling make-up si Enchong Dee.


Karamihan sa mga artistang lalaki lalo na iyong can afford bumili ng mga imported na gamit pang make-up, ginawa pang big deal. Hahaha!

-0-


First time naming mapanood ang show ni Marian Rivera sa channel 7 with guwest stars Mark Bautista at Michael V. Hindi kami kuntento sa kanilang pagsasayaw na napaka-basic naman at napaglumaan na ang style. Ginaya lang sa isang Koreano ang Gangnam style na wala talagang kalatuy-latoy na sayaw.


Expected pa naman nang marami na magiging kaibang sumayaw itong si Michael at ang funfare sa kanya ang galing daw nitong sumayaw. Pati na rin ang host na si Marian, ang sayaw din niya ay hango rin sa Korea. Iyon bang music niya ay ang Nobody But You.


Mahuhusay nga silang sumayaw kaya lang ordinaryong sayaw ang ipinakikita. Sana man lang kumuha nang magaling na choreographer ang production. Malayo ito roon sa show noon ni Alma Moreno at lalo na kay Lucy Torres Gomez. Kaya ang masasabi namin, nakukulangan kami sa mga klase ng sayaw na ipinakikita ni Marian pati na sa guest nila. In my opinion, that is.


-0-


Hindi pa hiwalay sina Iwa Moto at ang anak ni Senator Panfilo Lacson na si Pampi. Kinumpirma ito ng dalawang nagmamahalan. Kumalat kasi ang balita na hiwalay na sila noong kasagsagan ng maging finalist siya sa isang dance show.


Pangarap ni Iwa na makasal silang dalawa ni Pampi kaya lang hindi pakakasal si Pampi sa kanya kahit ito’y annulled na kay Jodi Sta. Maria.


Si Iwa kasi ay kasal pa rin sa kanyang unang asawa na si Mickey Ablan at hindi pa sila annulled.


‘Yan ang pinakahihintay ni Iwa ang ma-annull na ang kasal niya kay Mickey. Umaasa pa rin ang sexy actress na darating ang araw ay mapapawalang-bisa na ang kanyang kasal. Sana nga.


Ang isa pang minimithi ni Iwa maliban sa kasal niya kay Pampi ay ang makabalik siya sa kanyang mother studio, ang Kapuso network. Wala kasi siyang work maliban doon sa paglabas niya sa nasabing dance show.


Ciao Bambino!


The post Gawin bang big deal ang pagkakaroon ng make-up set ni Enchong! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Gawin bang big deal ang pagkakaroon ng make-up set ni Enchong!


Ellen Adarna ipinakita lahat sa cover ng men’s magazine

KAMAKAILAN ay nakita ko sa internet ang hubad na larawan ni Ellen Adarna na nakatayo. Hubo’t hubad ang seksi at batambatang aktres na naka-pose at buong pagmamalaking ipinakita ang kaseksihan at ganda ng katawan.


Hindi mo sasabihin na pinilit itong mag-pose ng totally naked dahil naka-smile pa ito at halata ring walang ginawang retoke sa dalawang pose na nakatayo.


Kaya hindi na kami nagulat nang makita namin ang hubad na larawan ni Ellen na cover ng isang men’s magazine. Walang saplot ito na side view nakatihaya at nakatakip lang ang dalawang kamay sa kanyang dibdib. Pero in fairness sa kuha, kahit hubad ay hindi bastos ang dating. Artistic ang shot na kapag nakita mo ay ‘tatayo’ ang lahat ng balahibo mo sa katawan.


Aminado si Ellen nang makatsihan namin noong kasama pa siya sa Bubble Gang na napanonood every Friday sa GMA 7 na nu’ng kabataan niya ay nagrebelde siya. Lahat ng hilig at gusto ng isang teenager ay ginawa raw niya noon. Pero hindi naman daw siya umabot sa puntong gumamit ng ipinagbabawal na gamot.


Nang mag-artista si Ellen ay tumutol din daw ang ama pero tinuloy pa rin niya ang pag-aartista at ngayon ay okey na silang mag-ama. Asked kung may pinagsisihan ba siya sa mga nagawa niya noong kanyang kabataan, sabi ni Ellen ay wala raw. Mas lumawak pa nga diumano ang naging kaalaman niya sa buhay.


Pagdating naman sa hubaran ay wala ring problema kay Ellen. Basta kailangan daw talaga sa istorya ay kanyang gagawin ang ipag-uutos ng director.


=0=


Muntik nang mag-walk-out ang isang reporter nang ipa-interview ang isang singer/actress.


Aalis na sana ang reporter dahil nakapag-interview na rin siya nang ilang artista sa ginanap na grand presscon ng teleserye pero bago nakaalis ay sinabihan ng PR ng presscon na kausapin muna si singer/actress na pinagbigyan naman ng reporter.


Heto na, nang kakausapin na ang singer/actress ng ilang reporter ay nagtanong pa ito sa mga kaharap ng press kung saan nagsusulat? Kung hindi pinigil ng kapwa reporter ay iiwanan nito ang singer/actress dahil nagawa pa nga namang magtanong kung saan nagsusulat ang mag-i-interview sa kanya.


Okey na raw sana kung sikat at kainitan pa rin raw ng singer/actress. Eh, supporting role na lang ang pwedeng ibigay rito.


Nakuh! Mabuti na lang daw at napigilan ang reporter na iwanan ang singer/actress.


=0=


Nagtaka ang production at director ng Dyesebel sa naging pahayag daw ng isa sa cast ng serye regarding sa show na dapat daw hanggang November pa eere ang Dyesebel pero na-pressure lang daw ang management na i-cut short ito.


Pinasinungalingan ito ng Dreamscape na nang-pressure ang management na tapusin na ang serye at nagtaka sila kung saan nagsimula ang tsismis. “To clarify, because of the fast pace of the story the full run of the series will be until July. The show is consistently on top of all primetime shows since its launch last March,” say ng Dreamscape.


Ayon pa sa Dreamscape, masaya ang lahat sa pagtatapos ng Dyesebel dahil magtatapos ito na bongga ang ratings and has remained on top.


“Although the show is doing good, averaging 30% hanggang doon na lang talaga ang story. Kapag in-extend pa, lalaylay na,” say ng source.


Kaya ang Dyesebel ay 3 weeks lang sa ere at masaya naman daw ang cast sa pangunguna nina Anne Curtis, Andi Eigenmann, Ai Ai delas Alas, Gerald Anderson at Zsa Zsa Padilla dahil sa loob ng apat na buwan ay consistent top rater ang serye.


Samantalang pabor din kay Anne ang pagtatapos ng Dyesebel dahil makapagko-concentrate na siya sa susunod na project na “Gifted.”


The post Ellen Adarna ipinakita lahat sa cover ng men’s magazine appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ellen Adarna ipinakita lahat sa cover ng men’s magazine


Claudine at Raymart ‘di na magkakabalikan

KINAUSAP namin ang aming kaibigang personalidad tungkol sa naglabasang larawan sa social media ng ex-showbiz couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago kasama ang dalawang anak na sina Santino at Sabina na kuha nitong Sabado lang sa isang resto na si Clau mismo ang nag-post sa kanyang Instagram Account na may kasamang mensahe na, “We may have failed as husband and wife but we will strive to be good parents for the sake of our children.”


Ayaw nang magbigay pa ng mahabang komento ang aming kaibigan na concerned lang kay Clau. Basta ang masasabi lang niya ay ginagawa ‘yun ni Claudine para sa kapakanan ng kanyang mga anak at pagdating raw sa “custody” hindi totoo ‘yung naglalabasan na nagkaayos na ang magkabilang kampo dahil patuloy pa rin itong dinidinig sa korte.


Another thing, never naman daw talagang nagkaproblema pagdating sa visitation ni Raymart sa mga bata. Nagkagulo lang ito nang bulungan si Raymart ng pakialamero niyang abogado na sampahan nila ng kasong habeas corpus si Claudine, na syempre’y pinalagan nang aktres at ng kaibigan nitong legal counsel. Bakit pa kasi magsasampa ng ganyang kaso gayong wala namang problema sa pagdalaw ng ama sa kanyang mga anak? Ibig-sabihin ay gusto lang talagang i-harass si Claudine ng tinutukoy nating lawyer. Mabuti pa ‘yung isang male lawyer ni Raymart na cool at relax lang at never umepal sa kaso.


Uy! malapit na pala ang birthday ni Clau at parang advance birthday treat na rin niya kina Sabina at Santino ‘yung paglabas nila kasama si Raymart. Doon naman sa mga nag-iilusyon na magkakabalikan pa ang dating mag-asawa, nagbitaw na nang salita si Clau na masyadong malalim na ang sugat sa naging hidwaan nila ni Raymart at hindi na rin niya mahal ang aktor kaya’t wala ng pag-asa pang magkabalikan sila nito.


Anyway, ngayon kung makikitang lumabas sila uli at ‘yun ay para na lang sa kanilang mga anak. Pero ‘yung tungkol sa kanila ay isinara na ni Clau ang puso niya kay Mr. Santiago. So, may closure na, dapat lang naman gyud!


ANGELINE QUINTO LIVE SA 19 EAST BAR & GRILL SA SUCAT PARAÑAQUE


Kasabay nang magandang pagtanggap ng TV viewers sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ng bagong movie queen na si Bea Alonzo at Paulo Avelino na umaapaw talaga sa taas ng ratings gabi-gabi, magkakaroon naman ng live performance ang kumanta nang official soundtrack ng SBPAK na si Angeline Quinto sa 19 East Bar & Grill sa Sucat Paranaque na mag-uumpisa ngayong Huwebes, July 3 at 10 PM at sa July 10 & 31.


Mapanonood rin si Angeline sa same venue sa August 7, 14 and 21. Kakantahin ng tinaguriang Queen of Teleserye Theme songs ang mga awitin na kasama sa OST ng serye tulad ng theme song nito na Sana Bukas Pa Ang Kahapon, Gusto Kita, Umiiyak Ang Puso, etc.


Aba! sa halagang P500 na cover charge, maliban sa mag-eenjoy kayo kay Angeline sa paghagod nito ng mga awiting mula sa puso ay magkakaroon pa kayo ng libreng CD album ng nasabing official soundtrack. Kaya dalhin ang buong pamilya, barkada at ang inyong special someone at sama-sama tayong ma-inlove, mag-emote at mag-chill. Ang special event na ito ay hatid sa inyo ng Star Records, Cornerstone at ng Dreamscape Entertainment Television.


BULAGAAN NG EB, ILANG DEKADA NA NATING KASAMA MULA BATANES HANGGANG JOLO


Ang cute naman ng dating at bagay na bagay sa EB Dabarkads ang kanilang PE uniform sa nagbabalik na Bulagaan 2014.


At ngayon ay nag-evolve na ang ilang dekada ng segment na kinatuwaan niyo sa Bulaga na nagpasikat kina Aiza Seguerra Gracia, Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia ng Sexbomb Dancers, Gladys “Chuchay” Guevarra at ngayon naman kay Isabelle Daza at Aleng Maliit Ryzza Mae.


Ngayon ay iba’t ibang challenge ang ginagawa ng Dabarkads at maging si Bossing Vic Sotto ay hindi nagpapahuli sa pagsali sa challenge kung saan partner sila ni Aleng Maliit. Kaya nga hindi ito pinagsasawaan ng mga manonood mula Batanes hanggang Jolo kasi very entertaining namang talaga noon pa ang Bulagaan!


Isa ang segment na ito sa EB sa malakas ang dating sa TV viewers at kumpleto ang kanilang pananghalian kapag napanonood nila ito. ‘Yung ibang followers nito simula bata ay may mga asawa’t apo na ngayon. Ganyan na katagal ang favorite niyong Bulagaan.


The post Claudine at Raymart ‘di na magkakabalikan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Claudine at Raymart ‘di na magkakabalikan


Naiskandalo sa que sabrosong nota!

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Ka-amuse naman ang kwento tungkol sa isang medyo mature na pero eskalera pa ang ganda’t kaseksihang aktres in connection with an indie flick that she’s done at the moment.


Hahahahahahahahahahahaha!


Imagine, nailang daw ito nang todo-todo at hindi makapag-focus sa eksena niya with this not-so-young sexy actor and all because he was only wearing a skimpy brief in that scene they were supposed to shoot.


Hahahahahahahahahaha!


Okay lang daw sana kung naka-brief basta’t maayos ang pagkakahiga ng hunky actor.


Ang kaso, nakabukaka raw talaga ito (in character naman daw kasi at hindi naman ang real self niya ang kanyang ipinu-project..Harharharharhar!) at nakabuyangyang talaga ang kabuhayan nito na tumescent na so to speak (tumescent na raw so to speak, o! Hakhakhakhakhakhak!).


Sino ba naman kasi ang hindi mati-turn on sa kagandahan at kaseksihan ng aktres even if she’s not a spring chicken any longer? Hahahahahahahahahahaha!


Anyway, after several takes, na-at home na raw naman ang aktres at maayos na natapos ang kanilang eksena na isa pa naman daw sa mga highlights ng kanilang indie flick. Hahahahahahahaha!


Come to think of it, with her kind of beauty, marami talaga ang kakaboging younger actresses ang ating bida. Hitsurang nanganak na’t lahat, maintained nito ang kanyang demure ways at mega hot mama talaga ang dating, the very reason why this succulent and well-endowed young hunk actor was so besotted with her while they were doing an afternoon soap together sometime mid of last year, they purportedly had an affair.


Hahahahahahahahaha!


In a way, shining example ang ating bida na kahit nasa mid or late 30s na ang isang babae, carry pa rin niyang kabogin ang younger women only if she’ll take care of herself pretty well.


Going back to her steamy scene with her brown-skinned leading man, bigla raw kasing nag-flashback sa demure na sexy actress ang kanyang ex na moreno rin at mega daring in bed. Hahahahahahahahahahaha!


Obviously, the mature actress would want to completely obliterate from her memory her estranged husband.


‘Yun na!


JULIA BARRETTO ENDS HER FAMILY’S FEUD IN “MIRABELLA’S BEAUTIFUL ENDING”


Julia Barretto will show TV viewers the true meaning of beauty as her top-rating primetime fantaserye in ABS-CBN Mirabella airs its “Beautiful Ending” this Friday (July 4). Tension heats up in the last week of Mirabella as Alfred (James Blanco) finds out that Mira (Julia) is his real daughter.


How will Mira be able to keep the peace within their family now that Olive (Mylene Dizon) and Iris (Mika dela Cruz) are doing everything to bring her down? Will she make them realize that a person’s inner beauty is far more important than physical appearance?


In the end, who will break the curse that Mira inherited from Daisy (Dimples Romana) – her father Alfred who is the reason behind her search for revenge, or Jeremy (Enrique Gil), the one who truly loves her?


Mirabella is under the direction of Erick Salud, Jojo Saguin, and Jerome Pobocan, and the production of Dreamscape Entertainment Television.


Don’t miss “The Beautiful Ending” of Mirabella on Friday, before TV Patrol on ABS-CBN Primetime Bida. For more information about Mirabella, visit the show’s official social media accounts at http://ift.tt/OQAKuY and http://ift.tt/1fe5AUq.


MAS FULFILLED SA ASAWANG JAPANESE


Malou Dizon Toda used to appear in some movies that her sister Beth Sandoval did way back during the mid-80s but she was so besotted with her Japanese boyfriend (whom she eventually got married to and had two equally appealing offsprings), she has opted to make Japan her second home.


Today, her decision to let go of a promising showbiz career in lieu of domesticity, sweet Malou has never regretted. Dalagita’t binatilyo na ang dalawa niyang anak at maayos niya silang napalaking mababait at magagalang.


Kung ang ibang Fil-Japanese marriages karaniwa’y hindi nagsa-succeed, very much together pa rin sina Malou at Papa Toda after more than two decades of togetherness.


Ang ikinahahanga lang namin kay Malou ay nagawa niyang i-maintain ang kanyang svelte, girlish body in spite of motherhood and domesticity.


Anyway, her daughter Maiko Toda dreams of following her footsteps as a dance diva and Malou’s most encouraging of her daughter’s dream.


Nakita nga naman niya sa kanyang anak ang katauhan niya when she was practically her age.


Whatever, Malou hopes to be back in our country mid of July and this early, she’s already most excited to see old friends and relatives that she’s greatly been missing.


BALBON NA MODEL ANG ‘BAGO’ NG KONTROBERSYAL NA TV HOST/ACTRESS?


Hahahahahahahahahaha! Wala talagang tigil sa daldalan ang mga entertainment press pag-lovelife ng isang kontrobersyal na TV host/actress ang topic.


Hahahahahahahahahaha!


Kabog daw kasi ng kulayera ang lovelife na actress/host ang mga beki riyan sa tabi-tabi.


Beki riyan sa tabi-tabi raw, o! Hahahahahahahahahaha!


At least ang personalidad na ‘to ay transparent ang love or sex life (whatever’s the case..Hahaha!) at never na nagtago sa dilim. Harharharhar!


For a while, and this was prior to her much-talked aout liaison with this equally controversial actor/politician, her intimacy with this purportedly well-endowed foreign actor was the fave topic of most entertainment writers’ columns.


Feeling dad na raw kasi sa mga anak ni sister act ang papable na foreigner at buong akala ng sanlibutan ay sila na nga ang magkakatuluyan. Hakhakhakhakhak!


But for some highly baffling reasons, their intimacy went kaput, the very reason why this actor/politician came into the scene. Hahahahahahahahahaha!


Sa ngayon, tilam-tilam to-the-max na naman ang mga okrayistang press sa bagong ombre na nali-link sa kontrobersyal na personalidad. Hahahahahahahaha!


Pa’no naman kasi, veritable hunk ang kanyang arrive at esekola to boot ang tongue.


Kumbaga, perfect match daw kay sister act na talaga namang well-read at well-travelled at a woman of culture and erudition so to speak. Hahahahahahahahahahahaha!


On top of that, may isang quality or asset daw si papa na feel na feel ni mama.


Kung ano ‘yun, itanong n’yo na lang sa mga basketeers.


Itanong n’yo na lang daw sa mga basketeers, o! Hahahahahahahahahahahahaha!


‘Yun na!


***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!


The post Naiskandalo sa que sabrosong nota! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Naiskandalo sa que sabrosong nota!


Dahil sa pag-aadik, Nora 'di kinilalang nat'l artist – PNoy

MANILA, Philippines — Ipinaliwanag na ni Pangulong Benigno Aquino III kung bakit tinaggal sa listahan ng national artist si superstar Nora Aunor. .. Continue: Philstar.com (source)



Dahil sa pag-aadik, Nora 'di kinilalang nat'l artist – PNoy


PNoy kay Nora Aunor: “Iyong droga..mali all the time”

ILIGAL na droga at ang pagiging drug convict ang mga pangunahing dahilan kung bakit nalaglag sa listahan ng mga pararangalan bilang National Artist ang Superstar na si Nora Aunor.


Sa kauna-unahang pagkakataon, umamin na rin si Pangulong Benigno Aquino III na ang pagkaka-convict at pagkakaparusa kay Nora Aunor dahil sa iligal na droga ang dahilan kung bakit hindi ito napasama sa anim na pararangalan bilang National Artist.


“Ngayon ang naging problema ko lang doon, alam naman natin lahat na iginagalang ko ulit si Binibining Nora Aunor, na-convict po siya sa drugs. Na-convict at naparusahan at ang tanong ngayon dito, ‘pag ginawa ba nating national artist may mensahe ba akong maliwanag na sinasabi sa sambayanan. Alam ninyo iyong drugs meron tayong lokal na problemang pagkatagal-tagal na. Sinamahan pa ng nakita naman ninyo iyong mga reports na may West African syndicates, merong tila umano Mexican syndicates na pumapasok na sa Pilipinas at nagkakalat ng bawal na droga,” paliwanag nito.


Sinabi pa rin ng Pangulong Aquino na noong humarap aniya sa kanya ang mga nominado ay isa ang naging katanungan niya at ito ay kung anong titulo ang kanyang ibibigay.


At sa kanya aniyang pananaw ay ang isang National Artist o binibigyan ng karangalan, papuri ay malaki ang inambag sa lahing Pilipino at dapat tularan at hindi aniya iyong mag-iiwan ng mensahe na pwede palang maging National Artist ang isang drug convict.


“Ayokong magkaroon ng mensahe na kung minsan pwede iyong iligal na droga or acceptable. Iyong dapat iyong mensahe it is always bad and illegal drugs do nobody any good; and I cannot emphasize that message enough, ano, and at the same time parang raise Ms. Nora Aunor to be a national — I repeat, ano, iyong the National Artist,” diing pahayag ng Pangulong Aquino sabay sabing “Ngayon palagay ko naman kung ginagawa ko siyang national artist, may kabilang panig namang magsasabing: “Paano siya as a role model?” So ganu’n talaga itong trabahong ito, maski anong desisyon ko, meron talagang papanig doon sa salungat sa anomang desisyon ko.”


Tinuran ng Chief Executive na iginagalang niya si Nora Aunor, kinikilala niya ang trabaho nito at mga obra pero ang problema niya aniya ay naging sangkot ito sa iligal na droga.


“Iyong droga.. zero tolerance tayo dito — mali all the time,” ayon pa kay PNoy.


Sa kabilang dako, sa panayam pa rin sa Pangulong Aquino matapos ang pagdiriwang ng ika-67th Anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF) sa Clark Air Base, Pampanga ay biglang bawi ito sabay pagmamalaki na isa ang kanyang amang na si dating Senador Benigno Aquino, Jr. na tagahanga ni Nora Aunor at maging siya aniya ay humahanga rito.


“Tandaan natin ang kwento niya, nagtitinda sa bus — ‘di ba mga bus stations noong araw, napunta doon sa “Tawag ng Tanghalan” at mula doon siya naging superstar and the singular superstar, okay,” anito.


The post PNoy kay Nora Aunor: “Iyong droga..mali all the time” appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PNoy kay Nora Aunor: “Iyong droga..mali all the time”


Buntis, anak sugatan sa boga ng mister

KAPWA sugatan ang isang mag-ina nang tamaan ng mga bala ng baril na ipinutok ng mister sa Ilocos Norte nitong Lunes ng gabi, Hunyo 30.


Isinugod sa pagamutan sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mag-inang sina Janet Castillo, 33, 3-buwang buntis at ang anak menor-de-edad nitong anak.


Nakakulong na ngayon sa Vintar PNP at sasampahan ng patong-patong na kaso ang suspek na si Clevy Castillo, 35.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:25 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng mag-ina sa may Barangay 12 Namurok, Vintar, Ilocos Norte.


Bago ito, sa hindi malamang dahilan ay nag-away ang mag-asawa kaya para ipakitang siya ang haligi ng tahanan ay nagpaulan ng putok ng baril sa loob ng kanilang bahay.


Sa kasamaang-palad, bumanda ang mga bala sa kanyang mag-ina matapos tumama sa sementong sahig.


Ayon kay Police S/Insp. Lauro Milan, ang suspek din ang nagdala sa kanyang mag-ina sa ospital.


The post Buntis, anak sugatan sa boga ng mister appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Buntis, anak sugatan sa boga ng mister


Kelot kritikal sa taga ng ate

KRITIKAL ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng utol na babae nang mauwi sa pagtatalo ang hindi pag-aambag ng una sa mga gastusin sa bahay Lunes ng gabi, June 30, sa Navotas City.


Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Arturo Biongan, 50, ng #06 M. Fernando St., Wawa, Brgy. Tangos ng nasabing lungsod sanhi ng saksak sa dibdib.


Arestado naman sa nasabing pagamutan ang suspek na si Loreta Biongan, 56, mangingisda at nakatatandang kapatid ng biktima na nasugatan sa daliri nang saksakin ang utol.


Sa imbestigasyon ni PO2 Allan Bangayan, dakong 6:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng magkapatid sa nasabing lugar.


Dumating umano ang biktima na sinalubong ng sermon ng kanyang ate dahil sa hindi nito pag-aambag sa mga gastusin sa kanilang bahay.


Dito na nauwi sa mainitang pagtatalo ang sermunan hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang kanyang kapatid na tinamaan sa dibdib.


The post Kelot kritikal sa taga ng ate appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot kritikal sa taga ng ate


Walang banta ng terorismo sa MM-PNP

MANILA, Philippines - Walang namomonitor na banta ng terorismo ang mga operatiba ng pulisya sa Metro Manila. .. Continue: Philstar.com (source)



Walang banta ng terorismo sa MM-PNP


BI officer natakasan ng inarestong foreigner

MANILA, Philippines - Isang Vietnamese na­tional ang nakatakas mula sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) habang binabantayan ito sa loob ng Ninoy Aqui .. Continue: Philstar.com (source)



BI officer natakasan ng inarestong foreigner


16 kawani ng Batelec nagpositibo sa droga

LIPA CITY, Batangas – Umaabot sa 16-kawani ng Batangas Electric Cooperative (Batelec) II ang nag-positibo sa bawal na droga sa isinagawang mandatory drug tes .. Continue: Philstar.com (source)



16 kawani ng Batelec nagpositibo sa droga


Driver dedo sa karibal

MANILA, Philippines - Selos ang nanaig nang makitang may kahawak-kamay ang dating live-in partner kaya nagawa umano nitong saksakin sa dibdib ang sumulot sa .. Continue: Philstar.com (source)



Driver dedo sa karibal


Sun Broadband may play station na

MANILA, Philippines - Sawa na ba kayo sa mga larong Angry Birds, Flappy Bird, at 2048? .. Continue: Philstar.com (source)



Sun Broadband may play station na


Ombudsman sa Sandiganbayan Jinggoy, Bong pinasususpinde na!

MANILA, Philippines - Hiniling ng tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan na suspendihin na sa kanilang posisyon sina Sen. Ramon Revilla Jr., Sen. .. Continue: Philstar.com (source)



Ombudsman sa Sandiganbayan Jinggoy, Bong pinasususpinde na!


COA chair Tan pasok sa shortlist sa pagka-SC justice

PASOK si Commission on Audit (COA) Chairperson Maria Gracia Pulido Tan sa apat na nasa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa isang bakanteng posisyon sa pagka-associate justice sa Supreme Court (SC).


Sa botohan ng JBC, bukod kay Tan, pasok din sa shortlist sina Court of Appeals (CA) Justices Jose Reyes Jr. at Apolinario Bruselas na nakakuha ng tig-anim na boto.


Ang mapipili ni Pangulong Noynoy Aquino sa apat ang papalit sa nagretirong si Associate Justice Roberto Abad.


Isusumite ng JBC ang shortlist kay PNoy bukas, Martes.


The post COA chair Tan pasok sa shortlist sa pagka-SC justice appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



COA chair Tan pasok sa shortlist sa pagka-SC justice


MANILA, MAKATI NAGSANAY SA LINDOL; ‘YUNG IBA?

_benny antiporda NAGSAGAWA ng earthquake drill o pagsasanay laban sa lindol ang lungsod ng Makati kahapon.


Ngayong araw naman ay magsasagawa rin ng katulad na pagsasanay laban din sa lindol.


Pero sa Makati, binigyan nila ng konsentrasyon ang pag-blackout ng buong lungsod.


Sa Manila naman, ‘yang posibleng paglaki ng Manila Bay ang inimadyin nila.


Ano ang mga dapat na gawin kung magkakaroon ng tsunami na aabot sa ikalawang palapag at papasok sa Maynila ang tubig hanggang sa 4-5 kilometro? Tanong sa pagsasanay.


7.9-8.2 LINDOL


May mga earthquake drill sanhi ng malakas-lakas o 5.7 magnitude na lindol na tumama sa Batangas at malawak-lawak na lugar sa Luzon nitong nakaraang linggo.


Dahil sa nasabing lindol na nagpasayaw nang kaunti sa mga naninirahan sa Metro Manila, biglang nagising ang lahat ukol sa babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na posibleng magkaroon ng lindol sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan anomang araw.


Ito’y dahil sa umabot na sa panahon ang paggalaw ng lupa sa nasabing lugar sanhi ng mga malalaking bitak ng lupa sa West Valley Fault o Marikina Fault.


Maaaring lilindol din sa West Philippine Sea na nakaharap sa kanlurang bahagi ng ating bansa.


Sabi ng Phivolcs, maaaring aabot sa 7.9-8.2 ang lakas ng lindol at mas malakas ito sa tumama sa Baguio City at Cabanatuan City noong 1990. na ikinamatay ng daan-daang katao at ikinasira ng bilyon-bilyong halaga ng ari-arian.


HINDI BIRO


Talagang hindi biro ang lindol na kasinglakas o mas malakas sa lindol sa Baguio-Cabanatuan.


Sabi ng Phivolcs, kung gagalaw ang dalawang lindol, maaaring aabot ang tsunami sa 7-8 metro ang taas at tama lang na dalawang palapag na bahay ang lulunurin o wawasakin nito.


Dahil nakaharap nga ang Manila sa Manila Bay na posibleng panggagalingan ng tsunami, tama lang ang paghahanda ng pamahalaan ni Pareng Erap.


Kaya naman, susubukan nila ngayong araw ang pagkilos ng kanilang mga gamit na sasakyang First Responder, ang mga bangka, ang mga tauhan laban sa kalamidad, ang mga makinarya, ang mga gamit laban sa blackout, ang mga search and rescue at marami pang iba.


Ang mga barangay official kaya, magiging bahagi ba sila ng malaking pagsasanay na gagawin ng Maynila?


Syempre naman, pero paano nga sila paghahandain sa labis na kakulangan ng kanilang mga tauhan, gamit, pondo at marami pang iba?


MABUTI KAYSA WALA


Sabi ng mga taga-Barangay, mabuti kaysa wala ang anomang pagsasanay.


Lalo na ang mga barangay na nakaharap sa karagatan at ang iba pang mga barangay na maaaring pasukin at abutin ng tsunami.


Sa gagawing pagsasanay, hihiling umano sila ng mga ayuda mula sa pamahalaang lungsod. Marami kasi umano sa mga barangay ang wala o dispalinghado ang mga kagamitan laban sa tsunami.


Halimbawang may babala ng tsunami, paano, halimbawa nila ililikas ang libo-libong tao nang mabilis patungo sa mga ligtas na lugar?


Dito lang umano ay sumasakit na ang ulo ng mga kapitan ng barangay na nakaharap o malapit sa mga karagatan.


Masasama raw ba sila sa nasa 500,000-1,000,000 na mamamatay sa Metro Manila?


Paano kung gigibain ng lindol ang nasa 300,000 na kabahayan at gusali?


Nakupo, sakit nga ng ulo.


MASAHOL PA SA YOLANDA


Ang taas ng tubig na inaasahan sa Metro Manila mula sa 7-8 metrong tsunami ay kasingtaas ng tumama sa Leyte at Samar.


Kulang-kulang sa 10,000 ang natsugi nating mga kababayan kahit na dine-deny ng Palasyo ito.


Dahil sa pangyayaring ito, ano nga ang mangyayari kung mangyari ang nasabing tsunami sa Manila… at iba pang lungsod na nakaharap sa Manila Bay, gaya ng Navotas, Malabon, Pasay, Parañaque at mga nasa Cavite at Bulacan?


Kapag pinagsasama-sama ang lahat ng ito, nakupo, parang impiyerno ang Pilipinas tiyak.


Kung naging impiyerno ang naganap na tsunami sa Yolanda areas, ‘di lalong mas masahol ang magaganap sa Metro Manila?


TORE SA MAKATI


Kilala ang Makati na lugar ng mga tore sa Pinas.


‘Yun bang nagtataasan ang napakaraming gusali sa lungsod ni Vice President Jojo Binay.


Sa blackout lang, paano ang buhay ng mga nasa napakatataas na gusali? Pati ang city hall ng Makati ay isa ring tore sa lungsod.


Sa blackout, walang elevator at walang escalator na umaandar. Paano iligtas ang mga nasa matataas na gusali?


Eh, kung dahil sa blackout, eh, nagkaroon naman ng mga sunog at sabay-sabay na masusunog ang mga matataas na gusali, ano-ano nga ang mga gagawin?


Kung halimbawang gabi pa ang pangyayari, ano-ano ang mga gagawin?


Lalo na kung magbagsakan ang mga gusali gaya nang nangyari sa Baguio at Cabanatuan?


PAGBABAHAGI


Matapos ang lahat ng mga pagsasanay na ito, mungkahi nating magbigay ang mga nasabing lungsod ng mga karanasan sa kanilang mga earthquake drill at humango ng mga mahahalagang aral dito.


Bigyan nila ng pansin ang mga kalakasan at kahinaan nila at ang posibilidad ng mahigpit na tulungan ng dalawang lungsod.


Ang ibang mga lungsod, ano naman ang balita sa inyo, mga Bro?


Para sa mga mamamayan, dapat na kalabitin nila ang kanilang mga pinuno para rin sa mga kaukulang pagsasanay.


Aba, mahirap nang maging walang kamuwang-muwang sa kalamidad na lilikhain ng mga lindol sa Metro Manila.


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.


The post MANILA, MAKATI NAGSANAY SA LINDOL; ‘YUNG IBA? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MANILA, MAKATI NAGSANAY SA LINDOL; ‘YUNG IBA?


Van nahulog sa bangin, 2 utas

PATAY ang dalawang katao habang ginagamot ang dalawa pa nilang kasamahan matapos mahulog sa 700 metrong lalim na bangin ang kanilang sinasakyang van sa Sitio Maano Galunogon, Aguinaldo, Ifugao, kaninang madaling-araw.


Kinilala ang namatay na sina Edward Duligas, driver ng van; at Clifford Fawayan, 30, habang ang sugatan ay sina Ramon Gagaoin, 60 at Fely Borbe, 48, pawang ng Baguio City.


Nabatid na alas-4:30 ng madaling-araw, galing ang mga biktima sa Baguio City at magtutungo sana sa bayan ng Mayoyao, Ifugao nang maganap ang aksidente.


The post Van nahulog sa bangin, 2 utas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Van nahulog sa bangin, 2 utas


Tiyuhin todas sa nabuwisit na pamangkin

PATAY ang isang lalaki matapos barilin ng kanyang nabuwisit na pamangkin sa Bgy. Social Hall, Bgy. Estado, Matalam, North Cotabato.


Kinilala ang biktima na si Alberto Candole, 46, habang ang suspek ay si Mario Eglisia, 35, kapwa ng nasabing lugar.


Nabatid na kagabi ng alas-6 nang magkainitan ang suspek at biktima sa hindi pa malamang dahilan.


Nang mabusiwit ay kumuha ng baril ang salarin at binaril ang tiyuhin bago tumakas.


Inaalam na ang sanhi ng away ng dalawa.


The post Tiyuhin todas sa nabuwisit na pamangkin appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tiyuhin todas sa nabuwisit na pamangkin


STATE OF DONATION

deep fried KANYA-KANYA ang reaksyon ng mga mamamayan sa state of the nation address ni Pangulong Noynoy S. Cojuangco Aquino.


Sa mga nakatira sa mga squatter areas, ang ibig-sabihin ng SONA ay simple lamang. Ito ang sapilitang paghuli ng mga taga-squatter areas na pinaghihinalaang mga kriminal, may batayan man o wala, kay may tattoo ka o wala, kay adik at pusher ka man o hindi, kay may sala ka man o wala.


Every year sa ganitong panahon, may SONA rin ang pangulo, at ang SONA ay ginagawa sa Batasang Pambansa na kung saan naroon ang napakaraming pinaghinalaang mga senador at mga congressmen na talamak sa pagnanakaw ng pera ng bayan.


Pero sa sonang ginagawa sa Batasan, hindi pinaghuhubad ang mga suspek at ang kanilang mga kamag-anak, kaibigan at kapanalig.


Bagkus, kay gara ng kanilang mga damit, mga terno at mga nagniningning na mga alahas.


‘Yan ang state of the nation pero ayon sa mga palabiro, hindi raw dapat tawagin itong state of the nation. State of Donation daw ang itawag dito. Bakit?


Ang gobyerno kasi natin ay laging umaasa na lamang sa mga donation, lalo na kung may malaking sakuna.


State of calamity ang tawag naman ng mga mayor, mga governor at Pangulo sa kasong ito.


Sa bawa’t donation ay may ill-gotten wealth na involved kaya kay raming mga politician ang tuwang-tuwa.


Pagkakataon na naman nila na ibulsa ang pera ng bayan at ang mga donasyon ng mga pribadong sektor, lalo na kung bigay ito ng foreign donors.


Kawawang bayan. Ang mga salapi, armas at mga barkong nais mapasakamay ng gobyerno ay galing sa America, sa Japan, sa Brunei at iba pa.


Simpleng mga computer sets ay na dilihensiya pa natin sa Japan. Pati gatas at harina, galing pa sa donation ng US Aid.


The post STATE OF DONATION appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



STATE OF DONATION


MGA HALIMAW SA KAPATIRAN

sa kantot sulok NAKALULUNGKOT ang ulat na apat na estudyante ang bagong biktima ng hazing ng isang fraternity.


Ang isa, si Guillo Cesar Servando, 18, ay namatay matapos hindi kayanin ang hirap ng ginawang pananakit sa kanya.


May lead na umano ang Manila Police District para mahuli ang mga nagsagawa ng hazing kay Servando, sophomore student ng De La Salle-College of St. Benilde.


Ang tatlong kasama ni Servando, mag-aaral din ng nasabing eskuwelahan, ay nagpapagaling sa Philippine General Hospital. Buhay na testigo sila para sa ikalulutas ng kaso. Dapat silang mahigpit na mabantayan ng mga awtoridad at maisailalim sa witness protection program.


Ayon sa police report, matapos ang hazing ay ibinaba na lang sila sa isang condominium sa Maynila. Kapatirang Alpha Kappa Rho (AKRHO) ang nag-recruit sa mga biktima.


Sa tuwing magsisimula ang pasukan o hindi lumilipas ang klase sa isang buong taon, imposibleng walang isang estudyante na naiuulat na biktima o napatay sa hazing.


Sa panahon ngayon, ang karahasan sa mga kabataan ay ‘di lang makikita sa mga lansangan kundi sa mga paaralan at unibersidad. Maging ang sororities ay dumaraan sa malupit ritwal.


Maraming dahilan kung bakit may mga kabataang sumasali sa fraternity: para maging astig; magkarooon ng mga bagong barkada; at magkaroon ng proteksyon sa pambu-bully ng ilang grupo.


Bagama’t may batas laban sa hazing na RA 8049 na naipasa noong 1991 matapos ang pagkamatay ni Leni Villa, estudyante ng Ateneo de Manila School of Law, patuloy ang marahas at karumal-dumal na pagpatay sa ilalim ng nasabing ritwal.


Maging ang hazing sa military at police academy ay hirap matuldukan. Isa ito sa sinasabing dahilan kaya ang ilan sa mga nagsisipagtapos sa Philippine Military at National Police Academy ay nagiging marahas, malupit, buwang at dumarating sa puntong lumalabag sa human rights sa serbisyo.


Talamak din ang hazing maging sa mga institusyon na sinasabing may mataas na antas ng pagtuturo.


Ayon kay Sen. Tito Sotto, patuloy na darami ang mamamatay sa hazing kung hindi mareresolba ng Department of Justice (DoJ) ang mga nakabimbing kaso rito. “None of the previous hazing incidents have been solved. The DoJ should exert more effort in the prosecution of these cases. Otherwise, there will be more deaths to come.”


Walang kakayahan o tila ayaw lang parusahan ng estado ang mga responsable sa hazing. Ang mga fraternity, partikular sa legal profession, ay patuloy sa pagtangging parusahan ang mga “kapatid” na nahatulan na ng husgado. Ang kaso ni Leni Villa ay tumagal pa ng 20 taon bago nakamit ng kanyang pamilya ang hustisya.


Ang karahasan at kalupitan ay hindi dapat ipino-promote sa mga grupo o kapatiran. Dapat kumilos ang pamunuan ng mga unibersidad at student councils sa pagbuo ng adbokasiya at kampanya na magtuturo sa mga mag-aaral na umiwas sa mga halimaw na kapatiran. Itigil na ang hazing!


The post MGA HALIMAW SA KAPATIRAN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MGA HALIMAW SA KAPATIRAN


LGU ROLE vs HUMAN TRAFFICKING

arlie-calalo41 THERE’S wisdom on a proposal of Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian for the local government officials to be in the forefront in the campaign against human trafficking by establishing a special task force for the purpose. Rep. Gatchalian issued the call as he cites reports by the US State Department that placed once again the country in the Tier 2 category.


“LGUs, being the authorities closest to the victims, have a special role in fighting human trafficking. LGUs can invest part of their Gender and Development fund into training our law enforcers on intercepting trafficking activities as a capability-building measure,” Rep. Gatchalian says.


Since 2011, the Philippines has remained in the tier for failing to fully “comply with the minimum standards for the elimination of trafficking” but was “making significant efforts to do so,” the Trafficking in Persons Report 2014 shows.


Gatchalian reiterated his call for the LGUs by maximizing their resources to step up the campaign, he couldn’t hide his dismay over the country’s lack of improvement in fighting the menace. “We must step up the number of convictions and train more police officers in preventing traffickers from operating in the country,” he said.


AMAZING


No less than Navotas City Mayor John Rey Tiangco is all praises for a former city jail inmate jail who used his skills he obtained from a handicraft training provided by the local government to create a spectacular miniature display of its infrastructure projects.


Even city officials and employees were stunned by the creation made by Junifer Hernani, 36, which has been now on display at the City Hall Complex that highlighted the celebration of Navotas’ 7th Cityhood Anniversary last week. “Pinatutunayan lamang na kahit siya (Hernani) ay isang dating bilanggo, bukas naman ang kanyang isipan sa pagbabago at ituon ang oras sa kapaki-pakinabang na gawain,” the mayor says.


The amazing miniature display was skillfully made by Hernanie through old yellow pages of the telephone directory, according to Ms. Jayne Banayad, the city’s public information officer.

Hernani has developed his talent after he underwent the free handicraft training being provided by the ‘Navotas’ Hanapbuhay Center two years ago.


Ms. Banayad says it was part of the livelihood program being carried out by the Tiangco administration primarily aimed to give the residents especially the poor sector the opportunities to get employed or start up small-scale businesses.


The post LGU ROLE vs HUMAN TRAFFICKING appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



LGU ROLE vs HUMAN TRAFFICKING


PWEDE NA RITO SA ATIN

sibol5 KUNG nanood kayo ng opening ceremonies ng Fédération Internationale de Football Association World Cup 2014 kamakailan, mamamangha kayo sa ganda ng pagtatanghal at maiisip n’yo kung gaano kalaki ang ginagastos ng host countries sa pagsagawa ng ganitong event para sa world football competition.


Ginagawa ito ng mga bansa tulad ng Brazil dahil malaking bagay para sa pag-unlad ng kanilang bansa ang pandaigdigang atensyon na naibibigay ng mga event tulad nga ng FIFA World Cup.


At hindi pwedeng hindi n’yo mapansin ang venue ng mga laro.


Marangya at malaki ang arena para ma-accommodate and milyon-milyong fans na dumaragsa para manood galing pa sa iba’t ibang parte ng mundo.


Kung tutuusin ay alam natin na may potensyal ang mga Filipino sa larong football. Naipakita na natin ang galing natin sa sports na ito.


Pero gustuhin man nating mag-host ng ganitong event, ang unang problema ay ang venue at ang suporta ng pamahalaan.


Mahal ang gagastusin ng gobyerno para sa isang international event na ganito.


Pero ang problema ng venue, palagay ko ay may solusyon na. Pwede na rito sa atin. Kaya na ng Pinoy.


Ang Philippine Arena na itinayo ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Bocaue, Bulacan, ay pwedeng-pwede nang mag-compete sa mga venue sa buong mundo kung saan pwedeng magdaos ng mga international event kung ganda at modernity ang pag-uusapan.


May venue na tayo!


Incidentally, ang INC ay magdiriwang ng Centennial Celebration ng kanilang pagkakatatag bilang isang simbahan sa darating na ika-27 ng Hulyo.


Naitatag ang INC noong July 27, 1914.


At ang Philippine Arena ay maaaring maging sentro ng pagdiriwang ng INC sa darating nilang 100th year anniversary.


Ang Philippine Arena ay hindi lang pride ng INC kundi pride ng buong bansa.


Maipapagmalaki na ito ng Pilipinas at inaasahan na magiging venue na ito ng mga mahahalagang pagtitipon at event sa susunod na mga panahon.


Ang Philippine Arena ay isang bantayog ng pagpupugay sa tagumpay ng INC bilang isang mahalagang institusyon sa ating bansa.


Nitong mga nakaraang buwan ay sunud-sunod ang kanilang mga medical mission habang palapit sa kanilang malaking selebrasyon.


Mabuhay ang INC.


Salamat sa inyong kontribusyon sa pag-unlad ng ating mahal na bayan.


The post PWEDE NA RITO SA ATIN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PWEDE NA RITO SA ATIN


P16B TOBACCO TAX SCAM

CHOKEPOINT bong padua SA rami ng ‘scam’ o anomalya na nangyayari sa mahal nating Pilipinas, hindi malayong baka tawagin na tayong ‘bansa ng mga mandurugas.’


Hindi pa nga tayo nakahihinga sa isyu ng P10 billion pork barrel, pumutok na naman ang pandaraya raw sa buwis ng isang tobacco manufacturer.


Tumataginting na P16 billion ang nawawala sa Pinas dahil umano sa hindi tamang pagbabayad ng buwis ng Mighty Tobacco Corporation.


Nauna nang ibinulgar ng Oxford Economic and International Tax and Investment Center na noong taong 2013 nadaya ang Pinas ng P16B tax.


Ayon sa pag-aaral ng naturang foreign economic firm, ang naglahong P16B tax ay dahil sa illegal cigarette trade na malayang nakapag-ooperate sa bansa.


Pero kung ang Bulacan-based tobacco company ang tatanungin, ‘di raw sila tax evader dahil sila’y nagbabayad ng tamang obligasyon sa gobyerno.


Sa report, kanilang itinuro ang kalabang Philip Morris na siyang gumagawa ng alingawngaw, gamit ang findings daw ng Oxford firm.


Wala tayong pakialam sa away na ito ng dalawang kompanya ng tabako.


Ang mahalaga ay malaman ang katotohanan kung may katotohanan o wala ang sinasabi ng Oxford firm na nawalan ng P16B tax ang Pinas.


Ang Department of Finance ay naalarma sa ulat na ito kaya ipinag-utos daw ni Sec. Cesar Purisima na silipin ang findings ng Oxford.


‘Di natin minimenos ang gagawing imbestigasyon ni Sec. Purisima, pero kung ang hanap natin ay katotohanan, dapat ay makatotohanan din ang inquiry.


May sinasabi na ang maniobra ay nagsisimula sa Bureau of Customs, kaya iniatas na rin ni Purisima ang pagpapasara ng mga warehouse ng Mighty.


Akala ba natin ay matino na ang BoC mula nang si Comm. Philip Sevilla ang hepe?


Bukod sa DoF, dapat ay mag-ingay rin ang Senado at Kamara – sila’y mag-imbestiga – para makalkal ang isyu na ito para ‘di mauwi sa basurahan.


Ang P16B ay napakalaking halaga na ‘di natin dapat ipagwalang-bahala.


The post P16B TOBACCO TAX SCAM appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P16B TOBACCO TAX SCAM


CONSUELO DE BOBO NG SENADO SA MAMAMAYAN

burdado-jun-briones2 NANAWAGAN ang pamunuan ng Senado sa mamamayan na tulungan daw silang magbantay sa niluluto nilang pambansang badyet para sa taong 2015.


Sabi ni Senate President Franklin Drilon, ayaw nilang may makasingit na Priority Development Assistance Fund o katulad nitong mga pondo na idineklara na ng Supreme Court na iligal.


Kung tutuusin, tama si Drilon.


Pero, king-ina, ibig bang sabihin nito na hindi nila kayang bantayan ang Malakanyang at ang kanilang mga sarili sa pagsisingit ng anomang uri ng PDAF para sa pambansang badyet?


Isa pa, halos sila lahat na mambabatas ay nagkakaisa sa pagsasabing ang bawal lang ay pakikialam nilang mga mambabatas sa pagsasapatupad ng mga proyektong kanilang ipinanunukala na may mga pondong galing sa pambansang badyet.


May panawagan nga ang Palasyo sa mga mambabatas na maghain na ang mga ito ng mga proyekto na isasama sa binubuo nitong panukalang badyet para sa 2015.


Ibig-sabihin, pupuwedeng magturo ng proyekto ang mga mambabatas tulad ng dati, kasabay ng pag-iisip ng Malakanyang ng mga proyekto at lahat ng ito ay malalagyan ng pondo.


Ang punto ngayon ay makapipitsa o kikita pa kaya ang mga mambabatas sa pondo ng mga proyekto?


Dati kasi, pupuwede silang mangomisyon ng 20-30% sa pondo at 100% sa kanilang mga ghost project.


Mayroon pa rin bang ganitong pamimitsa sa salaping bayan?


Sa kalakaran ngayon na ang bawal lang ay ang pakikialam sa implementasyon ng mga proyekto o programa na may pondo, sino ang makapagsasabing hindi magkakapera ang mga senador, kongresman at taga-Palasyo na taga-apruba at taga-labas ng pondo?


Alalahaning tahimik ang korapsyon at pandarambong ngayon at kung may lumalabas man, tanging ang mga nasa oposisyon ang tinitira.


Sabi ng SC, dapat ipagsasauli ng mga nakatanggap ng PDAF ang lahat ng kanilang natanggap na PDAF.


Meron bang hijo de putang mambabatas na gumawa nito mula kay PNoy na nagkaroon din ng PDAF noong kongresman at senador pa siya hanggang sa lahat ng mga mambatas bago inutas ng Hukuman ang PDAF?


The post CONSUELO DE BOBO NG SENADO SA MAMAMAYAN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



CONSUELO DE BOBO NG SENADO SA MAMAMAYAN


Hello Garci, hindi na mauulit sa 2016

TINIYAK ng Malakanyang na hindi na mauulit ang matinding dayaan noong 2004 at ang kontrobersiyal na “Hello Garci” o sa bansa sa nalalapit na 2016 presidential elections.


Kaya nga sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda kay Vice President Jejomar Binay na walang dapat ikatakot dahil malabong magkaroon ng high-tech cheating sa nalalapit na halalan.


Kung para sa bise presidente ay kailangan lamang na manaig ang mapayapa, tapat at maayos na halalan sa bansa ay kaisa niya ang gobyernong Aquino rito.


“We certainly share the advocacy of…That has been from the very start our advocacy: for a clean and free elections. We do want to avoid the situation in 2004. And the legitimacy of the elected official, the legitimacy of someone as a public official is always based on the legitimacy of the elections. So public officials — elective public officials, what we say, are elected — are elected at the sufferance of the governed. So, we want to make sure that the process is legitimate. We want to make sure that the elections are clean and honest. And, therefore, of course, it is something that everyone will be glad to if everybody will join our advocacy and I think it’s a no-brainer for anyone not to join our advocacy for a clean and free elections,” anito.


Kaugnay nito, tungkulin din ng Commission on Elections (Comelec) na siguruhin na malinis, malaya at tapat ang eleksyon sa 2016.


Ayaw namang lagyan ng malisya ni Sec. Lacierda ang tila estratehiya ng kampo ni VP BInay na mina-mind set na sa publiko na kapag hindi siya nanalo sa pagka-pangulo sa 2016 ay dinaya siya sa pamamagiyan ng high- tech cheating.


The post Hello Garci, hindi na mauulit sa 2016 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Hello Garci, hindi na mauulit sa 2016


Presyo ng gatas, magtataas bukas

NAKATAKDANG magmahal ng hanggang 8% ang presyo ng mga produktong gatas sa merkado simula ngayong Martes.


Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) Undersec. Vic Dimagiba na magtataas ng P0.40 hanggang P4.30 ang kada lata o pack ng gatas kabilang na ang mga kilalang brand.


Bunsod ito umano ng paghingi ng manufacturer sa DTI ng 9% hanggang 12% umento sa presyo nito at sa pagtaas ng presyo ng higher skimmed at whole milk.


Kaugnay nito, sa kabila ng pagtataas ng presyo ng gatas, hindi naman gagalaw ang presyo ng ilang sangkap ng tinapay tulad ng itlog at asukal.


Ayon sa Kalihim, hindi rin kasama sa nagmahal ang presyo ng harina.


The post Presyo ng gatas, magtataas bukas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Presyo ng gatas, magtataas bukas


SIGE HILA!

 Ipinakita sa Media ni MPD Ditrict Director. Rolando Asuncion ang CCTV Photages sa One Archers Place 29th Floor habang hatak-hatak sa Hall Way ang Fraternity Hazing Victim nasi Guillo Cesar Servando BS Hotel and Restaurant and Institutional Management,De La Salle St. Benilde .

IPINAKITA sa media ni MPD District Director Rolando Asuncion ang CCTV footage sa One Archers Place 29th Floor kung saan nakikitang hatak-hatak sa hall way ang fraternity hazing victim na si Guillo Cesar Servando ng dalawa pang kasama.



The post SIGE HILA! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SIGE HILA!


CAMIL DIAZ KILALANG RICE GIRL AT U.S. FULBRIGHT STUDENT

ang inyong lingkod hilda ong CAMIL DIAZ ay isang chemical engineering at sa kasalukuyang ay na nasa ilalim ng U.S. Fulbright Student sa International Rice Research Institute (IRRI), na matatagpuan sa Los Baños, Laguna.


Nagtatrabaho si Camil Diaz sa Genetic Transformation Lab, sa pangunguna ni Dr. Inez Slamet-Loedin.


Siya ay bahagi ng pinagsamang pagpupunyagi upang maisaayos ang epekto ng climate change sa ating rice nutrition, at gayun na rin ang implikasyon ng ganitong epekto sa ating rice biofortification.


Ang layunin ni Camil Diaz sa kanyang ginagawang pananaliksik at proyekto ay upang tuntunin ang mataas na kaparaanan upang maipakita ang mataas na uring tuklas ukol sa iron rice. Ayon kay Camil Diaz, nagawa na nilang makakuha ng iron levels na mapupunuan ang halos 30% ng bahagdan ng kinukonsumo ng isang tao sa araw-araw niyang pangangailangan sa iron sa pamamagitan ng isang single service of rice.


Nais ni Camil Diaz maglilingkod bilang ACS Public Policy Fellow sa panahon ng kanyang PhD.


Ipagpatuloy nya ang pagtutuon ng pansin ng nauukol sa pagkain at sa may kinalaman sa food and energy security, habang ginagamit niya ang kanyang kaalaman sa rice engineering sa mabuting paraan at makatulong sa pagpapaunlad ng nitrogen-fixing o kaya ay sa c4 rice.


Ang mabunga at matagumpay na pag-uusap sa U.S. Embassy, Manila ay dinaluhan ni Heath Bailey (Economic Officer, Environment Science, Technology and Health), Bettina Malone (Public Affairs Officer), Yolanda B. De Guzman (Public Affairs Section) at Richmond L. Jimenez (Alumni Coordinator).


Kasama ng iyong lingkod sina Jennifer Foltz (Assistant Cultural Affairs Officer), Hazel Shine Santos, Rufus Thomas Adducul & Ryan Santiago (Kennedy-Lugar Youth Exchange and Study (Yes) Alumna.


Mula naman sa Pampanga Agricultural College ay sina Professor Geraldine Sanchez (Philippine Fulbright Alumna), Assistant Professor Maria Fe Bulao, Instructor Aris Miciat at ang kanilang mga estudyante na sina Harlene Tayag, Jonathan Jocson at Denver David.


The post CAMIL DIAZ KILALANG RICE GIRL AT U.S. FULBRIGHT STUDENT appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



CAMIL DIAZ KILALANG RICE GIRL AT U.S. FULBRIGHT STUDENT


Binoe lilipat na sa TV5

MAY kontrata pa sa Kapamilya network (ABS-CBN) si Robin Padilla pero suma-sideline ito sa ibang TV station. Kung hindi nga lang mamamatay ang role niya sa Adarna, ang serye na pinagbidahan ng kanyang anak na si Kylie Padilla, kasama sana si Binoe doon.


Umayaw lamang siya dahil ayaw daw niyang natitigbak siya sa TV. Pero rito sa “Jasmine,” ang serye naman ni Jasmine Curtis sa Kapatid network (TV5) ay sigurado na siyang papasok. Isang lasenggong karakter daw ang gagampanan niya. Mismong si Madam Wilma Galvante raw ang kumuha sa kanya.

Plantsado na ito at nakapagpaalam na raw siya sa Dos.


Hindi niya sinagot ang tanong kung hanggang kailan ang contract niya sa Channel 2, basta nand’yan lang daw palagi sa kanya ang nasabing istasyon.


“Ang ABS naman, palagi naman ‘yan, hindi naman sila bumibitiw. Ganoon naman ang ABS, palagi silang may offer,” ani Robin.


Ngunit base sa tinutumbok ng pananalita ng aktor, nakapag-usap na sila ni Ms. Galvante at naiintindihan daw ang kanyang sitwasyon. Kung sino raw ang makapagbibigay sa kanya ng malaking kontrata ay doon siya.


“Puro kaibigan ko naman kasi ang boss dun. Puro kasabayan ko naman, at naiintindihan naman nila ang pangangailangan ko,” sabi pa ni Binoe patungkol sa mga namumuno sa Channel 5.


Ayaw ng huli na magkomento tungkol sa breakup ng kanyang anak na si Kylie Padilla sa boyfriend nitong si Aljur Abrenica. Inis itong pag-usapan ang nasabing isyu. Nisaktan na nga raw ang anak niya tinatanong pa siya ng press people kung ano ang nangyari.


Ang payo na lamang nito sa kanyang dalaga ay humanap ng isang tunay na lalaki, isang barakong Pilipino raw-hindi baklita o sanay sa bading. ‘Yun na!


***


JULIA BARRETTO, AAYUSIN ANG KAGULUHAN NG PAMILYA


Kagandahan ng kalooban ang pananaigin ng karakter ni Julia Barretto sa pagtatapos ng top-rating Primetime Bida fantaserye ng ABS-CBN na ‘Mirabella’ ngayong Biyernes (Hulyo 4). Mas iinit ang mga tagpo sa huling linggo ng ‘Mirabella’ ngayong mapapatunayan na sa lahat na si Mira (Julia) ay tunay na anak ni Alfred (James Blanco). Paano aayusin ni Mira ang problema ng kanyang pamilya ngayong patuloy pa rin ang masasamang plano nina Olive (Mylene Dizon) at Iris (Mika dela Cruz) laban sa kanya?


Maituturo niya ba sa mga ito ang importansya ng kabutihan ng isang tao kaysa sa panlabas na kaanyuan? Sa huli, sino nga ba ang makapag-aalis ng sumpang namana ni Mira (Julia) kay Daisy (Dimples Romana)-si Alfred na naging dahilan ng kanyang paghihiganti, o ang tunay na umiibig sa kanya na si Jeremy (Enrique Gil)?


Ang ‘Mirabella? ay sa ilalim ng direksyon nina Erick Salud, Jojo Saguin, at Jerome Pobocan, at produksyon ng Dreamscape Entertainment Television. Huwag palampasin ang “The Beautiful Ending” ng ‘Mirabella’ ngayong Biyernes na, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng ‘Mirabella’ bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa http://ift.tt/OQAKuY at http://ift.tt/1fe5AUq.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Binoe lilipat na sa TV5 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Binoe lilipat na sa TV5


UPDATE: Sa hazing incident, Tau Gamma hindi Akrho!

BASE sa impormasyong nakalap ng Remate Online, hindi mga miyembro ng Alpha Kapa Rho ang responsable sa pagkamatay ng college student ng De La Salle – College of St. Benilde.


Ayon kay Gen. Asuncion ng Manila Police District (MPD), fraternity o kapatiran ng Tau Gamma Phi ang sangkot sa panibagong krimen na dulot ng pinagbabawal na hazing.


Matatandaang namatay dahil sa hazing si Guillo Cesar Servando, 18, sophomore student ng nasabing paaralan noong Sabado ng gabi sa One Archer’s Place Condominium habang kritikal pa ang tatlong kasama nito na kasalukuyang ginagamot sa Philippine General Hospital.


Patuloy pang tinutugis ang mga suspek na nakatakdang sampahan at panagutin sa krimen.


The post UPDATE: Sa hazing incident, Tau Gamma hindi Akrho! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Sa hazing incident, Tau Gamma hindi Akrho!


SUNOOOG!

UMABOT sa ika-apat na alarma ang sunog na tumupok sa isang dalawang palapag na residential area sa panulukan ng Lordizabal cor. Rianzares St., Legarda, Sampaloc, Maynila.

UMABOT sa ika-apat na alarma ang sunog na tumupok sa isang dalawang palapag na residential area sa panulukan ng Lardizabal cor. Rianzares St., Legarda, Sampaloc, Maynila.



The post SUNOOOG! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SUNOOOG!


GANITO YUN!

IPINAKITA ni Zamboanga Mayor Beng Climaco ang Zamboanga City roadmap para sa planong rehabilitasyon ng siuydad na konseptong build back better upang mapabuti ang bansa at masiguro ang kaligtasan at seguridad ng komunidad sa tapatan forum sa Manila.

IPINAKITA ni Zamboanga Mayor Beng Climaco ang Zamboanga City roadmap para sa planong rehabilitasyon ng siuydad na konseptong build back better upang mapabuti ang bansa at masiguro ang kaligtasan at seguridad ng komunidad sa tapatan forum sa Manila.



The post GANITO YUN! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



GANITO YUN!


RALLY KAMI!

>Dala ang malaking Effigy ni pangulong Noynoy Aquino, sumugod sa paanan ng Mendiola sa Maynila kahapon, ang daan-daang magsasaka upang ipaglaban ang tunay na reporma sa kanilang lupang sinasakahan at ibasura ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

BITBIT ang malaking effigy ni Pangulong Noynoy Aquino, sumugod sa paanan ng Mendiola sa Maynila ang daan-daang magsasaka upang ipaglaban ang tunay na reporma sa kanilang lupang sinasakahan at ibasura ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).



The post RALLY KAMI! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



RALLY KAMI!


Bong, Jinggoy pinasusupinde ng Ombudsman

MANILA, Philippines — Hiniling ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan na suspendihin sa Senado sina Senador Ramon “Bong” Revilla at Jose “Jinggoy” Estra .. Continue: Philstar.com (source)



Bong, Jinggoy pinasusupinde ng Ombudsman


SAULO!

 NAKATKIP ANG MGA LIBRO KAMAY SA ULO NANG MGA BATANG NAGLABASAN NG PAARALAN/BILANG PAGSASANAY KUNG MAY BIGLAANG PAGYANIG O PAGLINDOL/ EDDIE LEANILLO

WARING literal na nagsasaulo ang mga mag-aaral na ito makaraang itakip sa kanilang mga ulo ang bitbit na libro habang nagsasanay kung sakaling makaranas ng malakas na lindol.



The post SAULO! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SAULO!


HIT-AND-RUN!

BIKTIMA NG HIT AND RUN '' Nilagyan ng paunang lunas ang sugat sa ulo ang isang delivery boy nasi Felix Buhalog Jr. 32, nang mga rumesponding mga rescue team matapos itong magtamo ng mga sugat at bali sa katawan makaraang mabiktima ng hit and run habang sakay ng kanyang motorsiklo (TH-5540) sa Baesa Road, Brgy Baesa Quezon City lunes ng madaling araw, agad dinala sa Quirino Memorial Medical Center ang biktima...(Photo By Jun Mestica)

BINIGYAN ng paunang lunas ang sugat sa ulo ng delivery boy na si Felix Buhalog Jr., 32, matapos magtamo ng mga sugat at bali sa katawan makaraang mabiktima ng hit and run sa Baesa Road, Bgy. Baesa Quezon City.



The post HIT-AND-RUN! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



HIT-AND-RUN!


SUNOOG!

Umabot sa Ika3 alarma ang sunog sa kanto ng Ayala Bridge, 6 floor Gotesco Tower Ermita Manila, kasalukuyang inaalam ng Fire Marshal Investigador ang Halag ng Natupok na Properties.

UMABOT sa ikatlong alarma ang sunog sa kanto ng Ayala Bridge, 6 floor ng Gotesco Tower sa Ermita Manila.



The post SUNOOG! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SUNOOG!


Mr. Guwapito winner ng Barangay Addition Hills, mula pa sa Paniqui, Tarlac

INABOT ng 2 am nang mai-declare ang winner ng 2014 Mr. Guwapito ng Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, na brainchild ni Kagawad Carlito Cernal ng Addition Hills, at supported ni Barangay Captain Rodolfo Posadas.


Ang taunang talent search ay supportado rin ng pamunuan ng Mandaluyong headed by Mayor Benhur Abalos at ng kanyang mga konsehal. Isa sa activities ang Mr. Guwapito search ng Barangay Additional Hills sa kanilang taunang fiesta. One week na celebration ito ng pinakamalaking barangay sa Mandaluyong. Ang final night ay ang pagdating ng GMA Artist Star na si Steven Silva, para pasayahin ang buong barangay na ginawa noong Sunday night. Kasamang nag-perform ni Steven ang StarStruck Batch 1 runner-up na si Rainier Castillo.


Ang nai-declare na winner ng Mr Guwapito 2014 ay mula pa sa Paniqui, Tarlac, na si Jayson Cruz, 22, na 4th year college sa kursong Computer Science ng STI. Nagsimula lang sumali ng male personality contest noong February, 2014 dahil sa susog ng kanyang mga magulang dahil may magandang katawan at guwapo rin. Bukod pa rito, siya’y may boses para kumanta at magaling magdala ng barong tagalog.


Nang nakausap namin ang winner, nasabi niyang nag-aral lang siyang mag-modelling sa pamamagitan ng YouTube. Nagbabasa rin siya sa internet para mabasa ang do’s and dont’s sa mga male pageant.


Di akalain ni Jayson na siya’y mag-uuwi ng title at cash na P5,000 at iba pang give aways mula sa mga sponsor. Kasama niyang runner-up sina Nico Cervantes at Greg Padilla.


RELEASE NG BAGONG ALBUM NI JULIE ANNE SAN JOSE SA GMA RECORDS


Handa na ngang suungin ng Kapuso singer/actress na si Julie Anne San Jose ang mas malalim na mundo ng musika sa pamamagitan ng release ng kanyang pangalawang album na ‘Deeper’ sa ilalim ng GMA Records.


Tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart dahil sa kanyang kakaibang karisma at galing sa pag-awit, patuloy na tumitingkad si Julie Anne San Jose sa Philippine music industry sa paglipas ng mga taon. Nagmarka ang kanyang singing career nang tumanggap kamakailan ng 9x Platinum Record award ang kanyang self-titled debut album dahil sa pinagsamang digital at CD sales nito na humigit sa 135,000 units.


Kung ipinakilala siya bilang isang promising artist ng bright pop at R&B sa kanyang debut album noong 2012, ipakikita naman sa ‘Deeper’ ang kanyang paglago bilang isang recording artist at simpleng babae. Ngayong nakatakda na nga niyang iwanan ang kanyang teenage years, nagsisimula na siyang gumawa ng mga hakbang upang siya ay maging enduring figure sa local music industry.


Ang kanyang pinakabagong album ay naglalaman ng sampung all-OPM songs, kung saan anim sa mga ito ay isinulat mismo ni Julie Anne, kasama na rito kanyang title track na ‘Deeper’ at ang kanyang lead single na “Right Where You Belong,” ang lovetheme ng pinakabagong primetime Koreanovela ng GMA Network na The Master’s Sun. Samantala, ang gospel track naman nitong “Christ in Us, Our Hope of Glory” ay gagamiting theme song ng International Eucharistic Congress sa 2016.


Maliban sa mga awiting ito, maririnig din ang mga nilalaman ng puso ni Julie Anne sa kanyang mga awiting “Blinded,” “If Love’s A Crime,” “Diamond in my Eyes,” “Never Had You,” “Baby U Are,” “Kung Maibabalik Ko Lang,” at “Tulad Mo.”


The post Mr. Guwapito winner ng Barangay Addition Hills, mula pa sa Paniqui, Tarlac appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mr. Guwapito winner ng Barangay Addition Hills, mula pa sa Paniqui, Tarlac


Anne Curtis masaya na malungkot sa pagtatapos ng Dyesebel

LAGING apaw sa tuwa si Anne Curtis kasama ng kanyang mga leading men na sina Gerald Anderson at Sam Mily at mga co-star sa Dyesebel dahil maliban sa magagandang feedbacks na natatanggap nila sa kanilang teleserye, gabi-gabi pa itong wagi sa rating’s game ng Kantar Media National Ratings.


Kaya naman kahit na tatlong linggo na lang silang mapanonood sa ere at magwawakas na sila sa July 18, masaya si Anne na may kasamang lungkot dahil mami-miss niya syempre nang sobra ang lahat ng mga kasamang artista na tinuring ng second family ng maganda at sexy actress.


And for Anne, malaking achievement sa kanyang career ang magampanan ang isa sa pinakamagandang classic novel ni late Mars Ravelo na ilang dekada nang favorite ng mga Pinoy. Kaya roon sa mga nangiintriga at nagsasabing biglaan ang pagputol sa ere ng Dyesebel, magsitigil kayo no? Talagang hanggang doon na lang ang kuwento ng Dyesebel na kapag ipinagpatuloy pa ay lalaylay na.


Yes, naninindigan ang Dreamscape Entertainment ni Sir Deo Endrinal sa kanilang policy na hindi na dapat masyadong pinahahaba ang teleserye nang hindi mag-suffer ang story. Saka ang mga show sa Dreamscape nagtatapos sa ere ng mataas ang ratings samantalang sa kabilang TV network, tinitigbak naman dahil sa poor ratings.


So, sa mga fans ng Dyesebel, meron pa kayong more than two weeks para mapanood ang isa sa favorite niyong serye sa Primetime Bida ng Kapamilya network na ang rating ay naglalaro sa 30% pataas. I’m telling the truth, and nothing but the truth gyud!


MAIKO TODA, DANCE DIVA NG HIPHOP SA JAPAN


Kung may Dancing Queen tayo ngayon sa Pinas sa katauhan ni Marian Rivera at Dance Diva Foreignay sa Eat Bulaga na si Dasuri Choi, aba! sa bansang Tokyo Japan naman ay may isang Pinay na kinikilala roon bilang Dance Diva ng Hiphop. Siya ay walang iba kundi si Maiko Toda, ang pretty daughter ng dating sumikat na dancer sa television noong 80′s na si Malou Toda, sister ni late Beth Sandoval.


Para mahasa at lalo pang matutunan ni Maiko ang iba’t ibang dance steps, pinag-aral siya ng 6 years sa New York Manhattan ng kanyang very supportive na archetic dad na si Mr. Manabu Toda.


Sa nasabing bansa unang nakilala at nauso ang hip hop na sinasayaw ng mga famous foreign artist.


At nagtagumpay naman si Maiko dahil talagang magagaling at kilala ang kanyang mga trainor.


At dahil expert na, kasama ng kanyang mga kaklase at kaibigang mga Pinoy, madalas sumali sina Maiko sa dance competition at parati rin silang nakapag-uuwi ng cash at trophy. Nang bumalik sa Japan at umuwi sa kanyang pamilya ang dalaga ay nag-decide ito na gawing sideline ang pagtuturo ng hiphop sa mga bata kung saan dinudumog talaga siya ng mga gustong matuto ng naturang sayaw. Kaya naman maliban sa kanyang regular allowance mula sa kanyang loving father ay may sarili ng pera si Maiko.


Syempre pa, very proud naman sa kanya ang kanyang Mommy Malou na kapag katabi niya sa picture ay parang sister lang niya. May balak pala ang japanese dancer na magpunta ng Pinas para i-pursue ang kanyang dream na maging ramp model at artista. Why not? Pretty naman siya, sexy at maganda ang height.


BAGONG NI-RECORD NA KANTA NI ALENG MALIIT RYZZA MAE TIYAK NA PATOK RIN


Hindi lang nationwide hit ang Cha-Cha Dabarkads nina Ryzza Mae Dizon, Wallly at Jose dahil naging favorite rin sa iba’t ibang bansa sa Asya ang nasabing danceable song na ilang years ring naging paboritong gamitin sa mga event partikular na sa mga christmas party. Ngayon ay may bagong recorded song si Aleng Maliit at kanya na itong ipinarinig kay Bossing Vic Sotto.


Nasorpresa si Bossing sa sobrang ganda ng kanta na posibleng maging dance craze agad once na inilunsad na nila ito sa Eat Bulaga. Panahon ngayon ni Ryzza Mae kaya’t lahat ng gagawin niya ay suportado ng kanyang fans. At hindi lang in-demand sa kanyang dalawang regular show si Aleng Maliit kung saan napapanood siya araw-araw sa Eat Bulaga at sa kanyang sariling show na The Ryzza Mae Show na parehong napanonood sa GMA 7.


Maging sa endorsement ay pinag-aagawan rin si Ryzza kung saan napanonood ang marami nitong TVC na cute na cute naman talaga ang dating. Well, mabait kasi masunurin at propesyonal sa trabaho ang alagang ito ni Ma’am Malou Choa-Fagar kaya’t tuluy-tuloy ang blessings na dumarating sa kanya.


Makakasama pala ulit ni Bossing si Aleng Maliit sa kanilang filmfest entry sa Metro Manila Film Festival 2014 na My Big Bossing Adventures na produced ng OctoArts Films, MZET Films at APT Entertainment. Sina Joyce Bernal, Marlon Rivera at Tony Y Reyes ang mga director ng trilogy movie na ito.


The post Anne Curtis masaya na malungkot sa pagtatapos ng Dyesebel appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Anne Curtis masaya na malungkot sa pagtatapos ng Dyesebel


TIKLO!

adik

HULI ang apat na lalaki kabilang ang isang babae sa isinagawang buy-bust operation ng SPD-DSOU na sina Elizabeth Sabado, Mario del Pilar, Jerryny Revadenera, Dondon Versola at Rochelle Odiz sa kahabaan ng Alley Road 9, Joseph St., Bgy.Bagumbayan, Taguig at nakuhanan ng ilang gramo ng shabu.



The post TIKLO! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



TIKLO!


SHABU QUEEN!

Naaresto sa ikinasa buy bust operation ng PDEA-NCR si Juvylen Dumat-ol na tinagurian shabu queen ng Muntilupa makaraan iabot sa posseur buyer ang 100 gramo hinihinalang shabu sa Araneta Center, Cubao, QC, Ivan Gaddia

ARESTADO sa buy-bust operation ng PDEA-NCR si Juvylen Dumat-ol

na tinaguriang shabu queen ng Muntinlupa makaraang iabot sa poseur buyer ang

100 gramo ng shabu sa Araneta Center, Cubao, QC.



The post SHABU QUEEN! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SHABU QUEEN!


Panliligaw kuno ni Arjo kay Alex, pangpromo lang?

SWAK sina Maricel Soriano at Alessandra De Rosssi bilang magkaibigan sa Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA 7 na consistent na mataas ang ratings. Bagamat parehong mataray ang image nila, wala raw silang ginawa sa set kundi magtawanan. Hindi raw pinapairal ni Maria ang pagiging Diamond Star.


Hindi rin nagpapatalbog si Alex kina Maricel at Lovi Poe pagdating sa aktingan. Marami ang nakapupuna na effortless ang acting niya at hindi lang pansahog sa serye. Kumbaga, may bigat ang kanyang role.


Anyway, mas lalong tumitindi ang istorya ng soap dahil ikinasal na si Dingdong Dantes (Anthony) kay Lovi Poe (Shiela). Si Alessandra ang makabubuking sa kasalang naganap. Isumbong kaya niya ito kay Millette Real (Maricel)?


‘Yan ang tutukan ngayong Martes!


-0o0-


Hindi kaya pampromo lang ang rebelasyon ni Arjo Atayde na matagal na niyang type si Alex Gonzaga na kung saan ay magkatambal ang dalawa sa bagong teleserye ng Dos na Pure Love? Magsisimula na ito sa July 7.


Natotorpe raw si Arjo at dahil laging sinasabi ni Alex na the door is closed, maghihintay raw siya na maging open. Hindi rin kasi vocal person si Arjo kaya hindi alam ni Alex na matagal na siyang bet ng actor.


Marami pa ang pwedeng mangyari kina Arjo at Alex dahil posible talagang ma-develop sila dahil matagal silang magsasama sa taping.


“Once she gives me a hint na parang she’s okay, then I’ll really go for her,” deklara pa ni Arjo.


Hintayin natin ‘yan at kung ‘Pure Love’ nga ba talaga ang nararamdaman niya, huh?


Pasok!


The post Panliligaw kuno ni Arjo kay Alex, pangpromo lang? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Panliligaw kuno ni Arjo kay Alex, pangpromo lang?


Parang beki pero chicks killer pala!

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Kapag nakikita namin sa mga showbiz events ang wholesome imaged na deejay na ‘to, palihim kaming natatawa dahil ang feeling nami’y beki siya na pilit naglala-lalakihan lang.


Para kasing may swishy-swashy movements siya na revealing so to speak of his real identity.


Kumbaga, parang amoy ‘malansa’ siya kaya palihim na lang kaming natatawa. Hahahahahahahahaha!


All the while, we had this feeling that he was also a dick-fellating fag who was trying to project the image of a macho guy. Kaya naman laking gulat namin nang makarating sa amin ang chikang may kakaibang tripping daw ang ‘malusog’ na radio personality at ang drama niya’y nililigawan ang kanyang avid radio listeners at kapag bumigay na ang mga ito, dinadala niya sa kanyang condo para roon chorvahin.


Para roon daw chorvahin, o! Harharharharharhar!


Buong akala talaga namin ay balewala lang sa kanya ang display of affection sa mga chicks na kanyang kabeso. All the while pala, meron siyang lihim na pagnanasa.


May lihim na pagnanasa raw talaga, o! Hahahahahahahahahahahaha!


Come to think of it, this is no laughing matter altogether.


Taking advantage of the credulity of his radio listenes is not a good thing to do.


But then if you maintain an open mind, he’s not in any way to be blamed of his fans idiocy.


Hahahahahahahahahahahaha!


Ang dapat sisihin ay ang deejay-struck na mga chiching na ‘to na oks lang na chorvahin sila as long as maging that intimate sa kanila ang malusog na deejay. Hahahahahahahahahahahaha!


Besides, it takes two to tango, right?


Hindi naman siguro makaeeksena ang papable kunong DJ (sa kanyang pantasya at ilusyon! Hahahahahaha!) kung hindi naman magbibigay ng motibo ang mga chicks na ‘to.


Kunsabagay, kung ‘yun ngang kontrobersyal na young actress ay naging dyowa pa ng isa ring radio jock at ito pa raw ang gibsona ng andalu sa kanyang papa, ito pa kayang mga nameless na listeners na DJ- struck na maituturing ang hindi bibigay at magpapaubaya? Hahahahahahahahahaha!


But is the guy blessed with a huge dick? Harharharharhar!


I don’t think so!


I don’t think so raw talaga, o! Hahahahahahahahaha!


But then, I haven’t seen it so it’s unfair for me to become judgmental. Hahahahahahahaha!


‘Yun nah!


KUH LEDESMA’S FORGIVING HEART


My first encounter with Ms. Kuh Ledesma barely some two decades ago was not altogether pleasant.


But in fairness to the unfading diva, she was nice but not that ingratiatingly sweet naman when we approached her at the press conference of the GMA soap My Destiny where she delineates a Vicki Belo inspired character Selena Andrada as doctor to the stars.


Nag-mature na talaga ang outlook sa buhay ng unfading diva and she is not that detached and cold anymore.


Personally, we’re happy for her. Karamihan sa kanyang mga contemporaries ay hindi na masyadong visible sa show business but Ms. Kuh’s still very much in the running, so to speak.


Napanatili niya kasi ang ganda ng kanyang pangangatawan, along with her seeming youth.


Dapat lang!


ONE KAPAMILYA GO IN TORONTO!


The fireworks for Canada’s 147th birthday on July 1 are yet to launch but the all-Filipino Kapamilya gang from ABS-CBN’s The Filipino Channel (TFC) had already started one humongous party of thousands when it held last June 21 One Kapamilya Go in Toronto at the prestigious Direct Energy Centre and Ricoh Coliseum.


As long lines filled tens of activity booths of TFC, myRemit and event sponsors, and waves of hungry ticketholders packed the dining hall of Filipino food vendors, many attendees trooped early to the game hall for the Celebrity Bingo which was emceed by Tart Carlos and Vivieka Ravanes, the comedy duo from TFC’s global rom-com hit, Be Careful With My Heart.


Gleeful shrieks pierced the air not only when winners called out ‘Bingo!’ but also when celebrities like Maja Salvador, Enrique Gil and Xian Lim made surprise appearances. There were also well-applauded performances from local talents Inah Canlapan and singers from the Josie De Leon School of Performing Arts.


The main show under award-winning film and TV director John-D Lazatin and his team opened with one of the most creative and hilarious video spoofs in Filipino television done on the famously viral Monica vs Nicole catfight scene of TFC’s phenomenal teleserye hit, The Legal Wife.


The cheers haven’t died down when the reigning Philippine king of the dance floor, Enrique Gil, joins Maja before breaking out with the back-up dancers with his own hit, ‘OHA! Kaya Mo Ba ‘To (Can You Do This?)’, as his colorful music video with an infectious beat plays on the big screen.


Enrique followed this up with a sexy, updated version of the Hagibis classic, ‘Katawan (Body)’. Giggles turned into more shrieks when Tart and Vivieka introduced Angel Locsin who exuded wholesome charm with her rendition of Katy Perry’s ‘The One That Got Away’, followed by a cool performance of Zia Quizon’s jazzy pop hit, ‘Ako Na Lang (Let It Be Me)’.


“We promised to turn Toronto into the happiest place for our fellow Filipinos and we hoped that we achieved it with this year’s One Kapamilya Go. Our brothers and sisters deserved it,” said ABS-CBN Global Head of Events, Ad Sales & Trade Marketing Ricky Resurreccion.


***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!


The post Parang beki pero chicks killer pala! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Parang beki pero chicks killer pala!


Revilla, Estrada ipinasususpinde na

IPINASUSUSPENDI na ng Ombudsman sa Sandiganbayan sina Senador Ramon “Bong” Revill at Senador Jinggoy Estrada.


Ito ang nilalaman ng limang pahinang magkakahiwalay na motion to suspend accused na inihain ng Ombudsman hindi lamang sa dalawang senador kundi maging sa dating chief of staff ni Estrada na si Atty. Richard Cambe habang dinidinig pa ang kasong plunder laban sa kanila.


Ginamit na batayan sa mosyon ang nakasaad sa section 5 ng Republic Act 7080 o Plunder Law kung saan nakasaad na kapag ang isang opisyal ng gobyerno ay nakasuhan sa ilalim ng nasabing batas ay dapat itong suspendihin.


Nakasaad pa rito na sa oras na ma-convict naman ito ay mawawala lahat ng retirement at iba pang benepisyo nito.


Pero kung ma-a-abswelto ay maibabalik ito sa pwesto maging lahat ng kanyang benepisyo.


At dahil nabasahan na ng sakdal bagama’t hindi naghain ng plea, ang korte naman ang awtomatikong nagpasok ng not guilty plea sa mga senador kaya dapat ng masuspinde ang mga ito.


Nakasaad sa prayer na “it is most respectfully prayed of this honorable court that an order be issued suspending accused Ramon Revilla Jr. and Ricahrd Cambe from their respective public office and/or other public office which they may thereafter occupy pending trial,” ayon sa hiwalay na mosyon na inihain ng Ombudsman.


The post Revilla, Estrada ipinasususpinde na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Revilla, Estrada ipinasususpinde na


Bantay-saradong BI officers, natakasan ng Vietnamese nat’l

NATAKASAN ng isang Vietnamese national ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) habang binabantayan ito sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa kabila ng mahigpit na security checks ng ahensya sa paliparan.


Sa ngayon ay nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang ahensya kung may naganap na anomalya sa pagitan ng nasabing dayuhan at ng ‘di pinangalanang mga immigration officers na posibleng maharap sa kasong administratibo sakaling mapatunayang nagpabaya sa tungkulin.


Ayon kay Atty. Elaine Tan, tagapagsalita ng BI, iniutos ni Immigration chief Siegfred Mison ang paghahanap sa dayuhang si Phan Tan Loc matapos makawala sa mga nagbabantay dito noong nakalipas na Sabado ng umaga sa NAIA Terminal 3.


Napag-alaman na si Phan ay pinigilang pumasok sa bansa dahil bigo itong ibigay ang kanyang detalye kung saan sya mananatili sa bansa at nagsinungaling din na may kasintahan itong Pinay.


Sa inisyal na imbestigasyon, nagawang makalusot sa mahigpit na security checks ng mga immigration officers ang nasabing dayuhan kung kaya’t nakatakas ito.


Pinagpapaliwanag naman ng ahensya ang ‘di pinangalanang mga tauhan kung papaano nakatakas ang nasabing dayuhan.


Sakali umanong mapatunayang may nalabag ang mga ito ay awtomatikong kakasuhan ng kasong administratibo.


“Exclusion orders under Section 29 (a)(5) may be reversed upon showing that subjects are capable of supporting their stay in the Philippines such as having a guarantor or any document to prove that he is a legitimate tourist. We are currently checking the background of Phan to determine the reason behind his refusal to go back to his home country,” paliwanag pa ni Tan.


Kasalukuyang nakikipag-ugnayan na umano ang BI sa mga airline company at sa Vietnamese Embassy upang mahanap ang nasabing dayuhan.


The post Bantay-saradong BI officers, natakasan ng Vietnamese nat’l appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bantay-saradong BI officers, natakasan ng Vietnamese nat’l