HINDI naitago ni Yasmien Kurdi ang kalungkutan nang malaman na may cyst siya sa lalamunan at kailangan na raw agad na operahan.
“Kaya pala paos ako sa buong taping ng Rhodora X. Kaya pala kapag kumakanta ako, paos at hirap na hirap akong magsalita. Kapag sisigaw ako ng konti paos na kaagad,” say ni Yasmien.
Hindi pa alam ni Yasmien kung benign or malignant yung cyst. Basta kailangan daw operahan kaagad.
“Hindi ko na binasa yung result. Naiiyak ako kapag nakikita ko siya. Parang..ayaw ko siyang buksan na nasa envelope, “ pag-amin pa ni Yasmien.
Ang gagawin daw kapag tinanggal yung cyst niya sa throat ay one month siyang hindi makapagsasalita.
Ayon pa raw sa mga doctor niya, walang kasiguraduhan na babalik ang dati niyang boses.
“Eh,singer po ako, paano na lang kung hindi na bumalik ang dati kong boses. First love ko kasi ang singing at second na lang ang acting,” malungkot na pahayag pa ni Yasmien.
***
KRITIKAL pero nararapat ang naging desisyon ni Senator Bong Revilla na ituloy ang paggawa ng pelikula. Balak kasi ni Senator na isali sa darating na Metro Manila Film Festival ang bagong kabanata ng Ang Panday.
Matatandaang noong nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr. ay ibinigay niya ang bendisyon kay Bong para ipagpatuloy ang sequel ng Panday.
Si FPJ ang tumulong kay Joseph Estrada para maging Pangulo ng bansa at si Da King din ang nagdala upang magwagi bilang topnotcher ang kanyang anak na si Grace Poe-Llamanzares.
Kaya dapat lang na ipagpatuloy ni Senator Bong ang pagsasapelikula ng sequel ng Ang Panday.
Sana hindi maging problema ang pag-freeze ng pera at ari-arian ng senador dahil sa ginawang pagkakasangkot diumano nito sa pork barrel scam.
Well, if ever na gipitin talaga si Senator Bong ay nandiyan naman ang mga kapatid niya para tumulong sa pagpo-produce ng nasabing pelikula.
Samantala, kahit na anong busy ni Senator Bong ay sinisiguro niya na makapaglaan ng araw para makapagtaping ng Kap’s Amazing Stories na napapanood every Sunday sa GMA 7 dahil nakapagbibigay aral ang show sa mga televiewers lalo sa mga kabataan.
***
BIGLANG umingay ang pangalan Ellen Adarna nang maglabasan ang mga sexy pictorial at pagiging game nito sa hubaran. Sabagay, nung kasama pa siya sa Bubble Gang ay marami na ang nakapapansin ng kaseksihan ni Ellen. Lalo nang pasukin at tanggapin niya ang serye ng ABS-CBN na kung saan walang takot niyang ginawa ang mga daring scene with JC de Vera.
Nagpasampol siya ng kaseksihan at pagiging game sa halikan at love scene nila ni JC sa Moon of Desire. At buong ningning niyang sinabi na nag-enjoy siya sa lampungan nila ng actor na kinunan sa loob ng kotse.
Ayon kay Ellen, kahit na raw liberated at open siya sa sex, ang image niya ngayon ay hindi siya naniniwala na magiging kabawasan ito sa kanyang pagkababae.
“No naman! I don’t know? I don’t think there’s anything wrong of being liberated,” bungad ni Ellen.
“Not naman in a way na pakawala ako sa mga lalaki. I mean, I don’t sleep naman with a lot of guys. ‘Yung mga relationship ko, lasts 3 years.
“Yung pinakamatagal kong boyfriend, 7 years. Nagwa-1 year po ako. Matagal po ako mag-boyfriend. Hindi po ako months.
“Mahilig lang po ako lumabas. I don’t see anything wrong with that kasi ganoon po ako lumaki,” say ni Ellen.
Kahit na liberated at open sa sex si Ellen ay hindi naman daw siya nabastos ng lalaki or may nag-take advantage sa kanya.
First time daw niya nakaranas ng pambabastos noong high school. Nasa mall siya sa Cebu nang may lalaki raw na nagtangkang dampian ang boobs niya.
“Feeling ko kasi that time ay talagang sinadya nu’ng guy na ..boobs ko. Ginawa ko ay tinadyakan ko siya,” pahayag pa ni Ellen.
Inamin din ni Ellen na retokada ang boobs niya. Wala naman daw masama kung magparetoke ang isang tao ng parte ng katawan.
The post Yasmien Kurdi may cysts sa throat appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment