Monday, April 7, 2014

“Si Nora Aunor ang tunay na national artist” – Ricky Lee

COMING from a multi-awardee scriptwriter like Ricky Lee, no one can argue with him when the finale of his speech after recieving the Pinakapasadong Aktres for Nora Aunor, he says, “Ang tunay na National Artist.” Wala ang Superstar sa nasabing okasyon dahil kasalukuyang tinatapos nito ang ang kanyang pinakabagong pelikulang Dementia somewhere in Central Luzon.


Nagkaroon kami ng pagkakataong nakapanayam siya at ayon dito, “Para sa mga mamamayan Pilipino, kapwa-artista, kapwa-magtatrabaho sa sining, sa pelikula man, sa teatro at anomang larangan, sino ba ‘yung tunay na alagad ng sining na nakaapekto sa buhay nating lahat, si Nora Aunor ‘yun eh. Tulad ng nasabi ko kanina, siya ‘yung totoo at tunay na alagad ng sining ngayon.”


But the latest info we’ve gathered says, may humaharang para maigawad sa aktres ang nasabing pambansang titulo para sa alagad ng sining. “Sobra akong malulungkot kung hindi matutuloy ang proklamasyon ni Nora Aunor bilang sa isa mga national artists natin ngayong taong ito. Dahil napagdesisyonan na at napili na at dumaan na sa mahabang proseso and bilang kasamahan niya sa industriya. Karapat-dapat siya, sa palagay ko, matagal nang karapat-dapat.”


Maliban kay Nora, nabigyan din ng nasabing parangal sina Alice dixson para sa When The Love Is Gone at Bangs Garcia para sa Lauriana. Habang ipinapakita sa video wall ang pagbati at pagpapasalamat ng Superstar sa mga guro na nagbigay sa kanya ng kanyang ikatlong parangal ay nakatutuok naman sina Alice at Bangs na ayon sa una, she’s having goose pimples kung ano ang mararamdaman nito kapag maka-eksena na nito ang La Aunor sa Dementia where she’ll be a doing a cameo role.


ANGEL LOCSIN, FROM BEST ACTRESS TO BEST SUPPORTING ACTRESS


INSTEAD na kakitaan si Angel Locsin ng disappointment dahil na-demote siya from receiving several Best Actress trophies but alas, pang Best Supporting Actress na lang ang beauty nito.


To our surprise, it was an overwhelmed actress ang ka-face-to-face namin for an interview. “Sobrang happy ako kasi sabi ko, wala akong record na Best Supporting. Sabi ko, ‘di ko ini-expect na nagkaroon ako ngayon ng Best Supporting Actress award. Sobrang happy talaga ako kasi may record na kaming Best Supporting. So, I’m very happy, kasama ko pa dito ang mga sister ko sa Four Sisters and A Wedding. Very unusual naman na apat kami rito na tig-iisang award. So, happy kami kasi lahat kami ay nanggaling sa isang pelikula.”


It was only Angel who made it to the Gawad Pasado to recieve the ensamble award for the four of them in the said movie namely Bea Alonzo, Toni Gonzaga and Shaina Magdayao.


Kapansin-pansin nang nakabalik na sa upuan ang aktres ay naging busy ito sa kate-text at maraming nag-iisip na isa-isa nitong teneks ang mga nabanggit na artista na gumanap na mga kapatid niya sa nasabing pelikula. Kere ng aktres dalhin ang apat na tropeo kahit medyo hirap pero nandoon pa rin ang kasiyahang nararamdaman nito nang gabing ‘yun lalo pa’t nakapagpakuha ito kasama ang apat na tropeo.


“Naku, dapat akong magpa-picture dala ang mga trophy kasi mahirap itong maulit. This is unusual to happen again.”


The post “Si Nora Aunor ang tunay na national artist” – Ricky Lee appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



“Si Nora Aunor ang tunay na national artist” – Ricky Lee


No comments:

Post a Comment