Wednesday, April 2, 2014

SI JINGGOY HANDANG MAKULONG…SI REVILLA KAYA?

sa kantot sulok NAKAHANDA raw si Sen. Jinggoy Estrada na mapunta sa kulungan kung kayang patunayan na nandambong siya ng pera ng bayan kaugnay ng pork barrel scam.


Si Jinggoy, kasama sina Senador Juan Ponce Enrile at Bong Revilla ay nakatakda nang sampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder sa Sandiganbayan.


Ang pera umanong dinambong ng mga mambabatas na ito ay para sa proyekto ng mga mahihirap pero napunta lang sa kanilang bulsa.


Kasama syempre sa kaso si Janet Lim-Napoles, ang operator sa scam na umaabot umano sa nasa P10 bilyon.


Ang chief of staff ni Enrile na si Gigi Reyes, ang chief of staff ni Estrada na si Pauline Labayen at ang staff sa office ni Revilla na si Richard Cambe ay kasama nilang makukulong kung saka-sakali.


Hindi rin pinaligtas si Dennis Cunanan, director general ng Technology Resource Center na siya umanong dinaraanan ni Napoles para ma-release ang PDAF.


Nag-apply sa witness protection program sina Tuason at Cunanan para maalis sila sa listahan ng mga akusado.


Pero hindi lumusot ang kanilang palusot sa Ombudsman ni Madam Conchita Morales.

Meron pa raw susunod na makakasuhan kaya nakalulula talaga kung gaano kalawak ang korapsyon sa pamahalaan.


Sa mga senador, si Revilla ang may pinakamalaking naibulsa. Pero takot siyang makulong kaya nagdarasal na ngayon sa Holy Land, hindi kagaya ni Jinggoy na nakahanda na raw.


Pero patuloy ang mga akusado sa pagtanggi. Wala raw silang ninanakaw sa pondo ng bayan. Kung may makita ang Sandiganbayan kahit kaunting hibla ng katotohanan laban sa mga akusado, diretso sila sa kulungan at hindi sila papayagang makapagpiyansa.


Mabuti na rin itong makasuhan ang mga senador sa korte dahil dito sila makakikita ng parehas na pagtrato sa kanilang kaso.


Sa korte, ebidensya ang tinitimbang, hindi kagaya sa Senado na pulos imbestigasyon lang ang ginagawa at nagagamit pa ng mga kolokoy na senador sa grandstanding.


Kung reding-redi si Jinggoy na makulong, nakahanda rin ba si Bong Revilla? Kay bilis talaga ng karma.


The post SI JINGGOY HANDANG MAKULONG…SI REVILLA KAYA? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SI JINGGOY HANDANG MAKULONG…SI REVILLA KAYA?


No comments:

Post a Comment