Thursday, April 3, 2014

Publiko, pinagtitipid sa paggamit ng tubig

HINIKAYAT ng pamahalaan ang publiko na magtipid sa tubig ngayong tag-init.


Ito’y matapos bawasan ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila dahil sa pangambang matatagalan pa ang pagdating ng tag-ulan.


Pinangangambahang pababa na sa kritikal na antas ang suplay ng tubig sa mga dam simula nang pumasok ang tag-init.


Halos 20 metro na ang ibinababa ng lebel ng tubig sa Angat Dam na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.


Bumaba na rin ang water level sa Ambuklao, Magat, Binga, San Roque, Lake Lanao at Pulangi dam.


Ibinaba na rin ng Angat Dam ang alokasyon ng tubig para sa irigasyon at hydro-power sa bansa, ayon kay National Water resources Board Deputy Executive Dir. Jorge Estioko.


Nakiusap si Gladys Cruz-Sta. Rita, pangulo at CEO ng National Power Corporation (NAPOCOR) na magtulong-tulong sa pagtitipid sa tubig ngayong summer season.


The post Publiko, pinagtitipid sa paggamit ng tubig appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Publiko, pinagtitipid sa paggamit ng tubig


No comments:

Post a Comment