Wednesday, April 2, 2014

Produng aktor konsumido sa kanyang mga artista

DAPAT daw maging blockbuster ang pelikulang ginagawa at prinodyus ng magaling na aktor dahil kung hindi, malulugi siya at baka pati puhunan niya ay masambot pa.


Aba’y matindi raw ang konsumisyon na inaabot ng aktor sa kanyang movie. Oo nga’t magagaling ang mga artistang kasama niya lalo na yong multi-awarded actress at yong isa pang character actress na dating hubadera pero itong dalawa raw ang nagpapasimot ng kanyang bulsa at nagpapasakit sa kanyang ulo.


Wala na raw ibang bukambibig ang mga ito ay ‘pautang ng pera’ O ‘pa-advance ng TF.”

‘Yung pa-advance ay hindi uubra dahil naubos na raw nila ang kanilang talent fee. Kung uutang naman, ang haba na ng kanilang listahan.


Actually, naaawa naman daw ang morenong aktor doon sa veteran actress kaya binibigyan na lamang niya ito ng kuwarta. Bigay na lang at hindi na utang.


Pero doon sa rating reyna ng hubaran, makulit daw at panay ang emote ng dats, hindi naman marunong magbayad. Giatay!


***


DONAIRE, ILALAHAD ANG KWENTO NG PINAGHIRAPANG TAGUMPAY


ILALAHAD ng four-division world champion na si Nonito Donaire, Jr. ang kuwento ng kanyang buhay sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Abril 5).

Panoorin ang paglalahad ni Nonito ng mga naging balakid sa kanyang tagumpay, kabilang na ang pagiging biktima ng bullying noong bata siya, ang paghihirap niyang makuha ang atensyon at pagtanggap ng kanyang pamilya na nagsilbing inspirasyon sa pagsabak niya sa boksing kasama ang kapatid na si Glen, at kung paano niya muling pinatunayan ang sarili matapos ang isa sa mga pinakamalaking pagkatalo sa kanyang boxing career.


Paano niya nalampasan ang mga pagsubok na ito? Paano siya nagsumikap upang matupad ang pangarap ng kanyang ama para sa kanya na maging isang mahusay na boksingero?


Huwag palampasin ang 10th USTv Students’ Choice Awards 2014 at Students’ Choice of Public Affairs Program na “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado, pagkatapos ng “Banana Split: Extra Scoop.”


Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.


***


For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Produng aktor konsumido sa kanyang mga artista appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Produng aktor konsumido sa kanyang mga artista


No comments:

Post a Comment