Wednesday, April 2, 2014

Aminadong may problema!

SA exclusive interview kay Carla Abellana, inamin ng magandang aktres na may pinagdaraanang problema ang relasyon nilang dalawa ng kanyang bf na si Geoff Eigenmann.


Actually, bago pa man naganap ang nasambit na sigalot sa relasyong Geoff and Carla, my deklarasyon na ang dalawa tungkol sana sa kanilang pagpapakasal.


Pero nung tanungin namin kay Carla kung matutuloy pa ba ang nasa kasal nila nila ni Geoff, hindi na kumibo ang magandang aktres. Dapat siguro’y ayusin ni Geoff ang problema sa pagitan nila ni Carla kung gusto pa niyang silang dalawa ng anak ni Rey ‘PJ’ Abellana ang magkatuluyan.


Sinasabing nag-ugat ang naturang problema sa relasyon nina Carla at Geoff ng ma-link sa isa pang young actress itong si Geoff na ang namesung ay Kylie Padilla na anak ng action superstar at badboy ng Philippine moves na si Robin Padilla.


Actually, may isang engkwentro pa ngang nangyari sa pagitan nina Geoff at Aljur Abrenica na boyfriend naman nitong si Kylie.


Sa paghaharap ng dalawa, matapos na kumprontahin ni Aljur si Geoff tungkol sa sinsabing panliligaw umano nito kay Kaylie ay nagkaroon pa nga raw ng isang insidente na nagkasuntukan ang dalawa pero pareho namang pinabulaanan ang suntukang ‘yon ng dawalang batang aktor.


Teka lang, maayos pa kaya ang gusot na ito nina Carla at Geoff? Pero ang balitang nakarating sa min ay patuloy pa rin yata ang ginagawang panliligaw ni Geoff kay Kylie kahit na nag-usap na sila nang lalaki sa lalaki ni Aljur.


000


ANG chika ngayon sa showbiz, wala na raw career itong sina Gladys Reyes, Liezel Martinez at Babe Andros kaya work to death na lng sila ngayon sa MTRCB bilang mga reviewers at board memberS ng nasambit na ahensya.


Kamakailan lang, sobrang nag-init ang ulo ng indie film producer na si Boy Pilapil at iba pa dahil sa ginawang pagkokontrabida nitong si Liezel Martinez.


Kasali kasi si Mrs. Martinez sa nag-review ng pelikulang Private Show Tonight na produced ni Kuya Boy. Ito ang nagkontrabida at nag-X nang nasabing move kahit na ang dalawa pang reviewers na kanyang kasabay ay omokey na.


Samantalang ito namang Babe Andros ay sumabay pa sa pag-iikot sa mga lumang sinehan partikular na riyan sa Robin theater sa kanyang bossing. Talagang naramdaman ang depresyon at pakiwari nami’y talagang pinersonal at pinahirapan ng MTRCB chief itong si Papa Boy at ang kanyang pelikula.


Mabuti na lang at kaagad naagapan at naayos ang naging problemang iyon kaya natuloy rin ang showing nito sa mga nakatakdang sinehan.


Ang ending, buenas pa nga kay Papa Boy dahil sa tumipak nang husto sa takilya ang naturang pelikula. Congrats kay Boy Pilapil.


Para naman kay MTRCB chair at board member nitong si Babe Andros, isang malugod na condolences ang aming pagbati.


Hahahaha! Wala na bang balak ang mga producers natin sa ngayon na kunin pa sa mga proyekto sina Leziel Martinez, Babe Andross and Gladys Reyes?


And speaking of Gladys Reyes, kahit nga raw kaibigan pa ito ng mga kasamahan natin sa panulat na nagdi-direk at nagpo-produce rin ng pelikula ay hind mo raw ito (Gladys Reyes) malapitan o mahingan man lang ng tulong kung nagkakaproblema ka sa nasambit na ahensya ng gobyerno.


The post Aminadong may problema! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Aminadong may problema!


No comments:

Post a Comment