KAILAN lamang ay nagsulputan sa balita ang panawagan ng Philippine National Police Academy (PNPA) Alumni, Inc. sa MalacaƱang at pamunuan ng Philippine National Police. Ang isyu ay gawin na parehas ang pagbibigay ng puwesto at ranggo.
Tama naman. Lamang, may batas sa pagbibigay ng ranggo at “may lakas” na pagbibigay ng puwesto!
Marami tayong kaibigan na PMAyers at PNPAyers. Pareho silang magagaling sa trabaho at pagtupad sa tungkulin. ‘Yung iba nga, mayroon pang sarili yata na media bureau, eh. Hahahahaha.
‘Yun bang konting galaw at utot, nasa balita sila kaagad. Tawag nga natin sa mga opisyal na ganyan ay “promoted by virtue of media and political connections!”
Linawin natin ang estado ng PNPA at PMA graduates. Ang PNP ay isang direct agency. Nasa ilalim man sila ng DILG at National Police Commission (NAPOLCOM), they directly hire people for their agency requirements. The cue word ay DIRECT.
Ang pagpasok noon ng PMAyers sa PNP ay direct access batay sa batas. Last batch of entry nila ay 1992. Ibig sabihin, hanggang PMA batch 1992 na lang ang tinanggap pero hanggang 2030 pa sila mamamayagpag sa PNP.
Ang PNPA ay nilikha rin ng batas. Lamang, hindi nakita ng mga lumikha ang postura ng Akademya dahil ipinailalim nila ito sa isang LINE AGENCY, ang Philippine Public Safety Commission (?) sa halip na direkta sa PNP.
Dahil dito, ang sinomang magtatapos sa PNPA ay kailangan muna ang basbas ng PPSC bago makapasok nang lubusan sa PNP. Malaking kamalian ng batas ang nangyari. Sa burukrasya, LATERAL ENTRY lang bale ang pagpasok ng PNPAyers sa PNP.
Katulad iyan ng nagtapos sa criminology colleges at iba pang diploma at propesyon na gustong pumasok sa PNP. Puwede itong suriin ng Kongreso. Puwede itong ipatuwid ng PNPA Alumni, Inc. para magkaroon sila, mga PNPAyer, ng malakas na boses at papel sa paghubog ng liderato ng PNP.
I have a strong sympathy sa PNPAyers. Pero ang batas ang sagka mismo para sa kanilang mga pangarap sa kanilang organisasyon. Malaki ang butas ng batas na bumuo sa kanilang institusyon. Malaki ang epekto mismo sa oras ng dapat na pagtaas ng kanilang ranggo. Kailangang dumaan muna sila sa Komite ng PPSC bago irekomenda sa DILG-NAPOLCOM-PNP.
O Nakita ninyo?
In short, hindi dapat magselos ang PNPAyers sa PMAyers kung ang huli ay tila napapaboran sa ranggo at puwesto.
Direkta ang PMA sa kusina ng PNP samantalang ang PNPA ay sa waiting area muna. Kita n’yo?
The post PMAYERS vs PNPAYERS appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment