PINAG-AARALAN ng gobyerno ang panukalang taasan ang nakukuhang old age pension ng mga beterano.
Ayon sa Malakanyang, nais nilang itaas ang nakukuhang benepisyo sa P20,000 kada buwan upang matustusan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan lalo na sa gamot.
Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na pinag-aaralan na ng pamahalaan ang magiging implikasyon nito sa budget at kung saan huhugutin ang pondo.
Malugod namang ibinalita ng palasyo sa mga World War II veteran na umaandar na sa Kongreso ang pagtaas ng burial assistance para sa mga beterano sa P20,000 mula sa kasalukuyang P10,000 matapos maaprubahan sa committee level ang panukala saka ito isasalang sa plenaryo.
The post Pensiyon ng mga beterano itataas appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment