Saturday, April 12, 2014

Lookout bulletin vs Cedric Lee epektibo pa – BI

HAHARANGIN pa rin ang negosyanteng si Cedric Lee, si Deniece Cornejo at iba pang kasama sakaling tangkain nitong lumabas ng bansa.


Sa ulat ng Bureau of Immigration (BI), epektibo pa rin ang lookout bulletin laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pa nilang kasamahan.


Ito ay sa gitna ng mga usap-usapang balak mangibang bansa ni Lee matapos sampahan ng kasong serious illegal detention at grave coercion ng Department of Justice (DoJ), dahil sa pambubugbog sa TV host-actor na si Vhong Navarro.


Ang lookout bulletin ay inilabas ng Department of Justice noong Enero laban kina Lee, kasunod ng paghain ng kasong kriminal ni Navarro sa negosyante.


Subalit kinansela na ang ticket ni Lee na nakatakda sanang lumipad patungong Dubai mamayang hapon.


Kahapon ay natuklasan na naka-book si Cedric Lee sa Cebu Pacific Flight 5J9744 at alas-4:00 ng hapon ang flight nito subalit ayon sa airline company, kanselado na ang booking ng negosyante.


Inihayag naman ng abogado ni Lee na si Atty. Howard Calleja na hindi tatakasan ng kanyang kliyente ang kaso at nakahanda sina Lee at Cornejo na humarap sa korte.


The post Lookout bulletin vs Cedric Lee epektibo pa – BI appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lookout bulletin vs Cedric Lee epektibo pa – BI


No comments:

Post a Comment