Monday, April 7, 2014

Pamamaslang sa journalist sa Cavite, kinondena sa Senado

HINAMON ni Sen. Grace Poe ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation (NBI) na bilisan ang pagresolba sa kasong pagpatay sa journalist na si Ruby Garcia sa Cavite.


Ayon kay Poe, tiyak na hindi mahihirapan ang PNP at NBI na tukuyin ang mga salarin ni Garcia dahil may mga saksi sa pamamaril.


Mariing kinondena ng senadora ang bagong kasong pagpatay sa journalist dahil mistulang wala nang kinatatakutan ang mga kriminal lalo na at pinatay si Garcia sa mismong kanyang pamamahay at sa harap ng kanyang apong babae.


Ayon kay Poe, chairman ng Senate committee on public information and mass media, hindi lang ang murder case ang dapat na tutukan ng pamahalaan kundi maging ang iba pang kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag.


The post Pamamaslang sa journalist sa Cavite, kinondena sa Senado appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pamamaslang sa journalist sa Cavite, kinondena sa Senado


No comments:

Post a Comment