IPINATUPAD na ngayong Martes ng oil companies ang kaltas presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ulat ng Department of Energy (DoE)epektibo alas-12:01 ng madaling-araw, nagtapyas ng P0.15 sa kada litro ng gasolina at P0.35 sa kada litro ng diesel ang Shell at Petron.
Bukod pa ito sa tapyas na P0.30 kada litro ng kerosene ng dalawang kumpanya.
Kaparehong presyo rin ang ibinawas sa kada litro ng gasolina at diesel ng PTT at Total pero alas-6:00 ng umaga nang nagbawas-presyo ang Total.
Wala namang abiso ang PTT at Total sa presyo ng kerosene.
Ang bawas-presyo ay kasunod na rin ng paggalaw sa pandaigdigang merkado.
The post Kaltas-presyo sa produktong petrolyo, ipinatupad ngayon appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment