Thursday, April 3, 2014

Ombudsman, sinaluduhan ng mga kongresista

SALUDO si BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza sa paghahain ng Ombudsman ng kasong plunder sa tatlong senador at sa itinuturong utak ng P10 bilyong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.


Subalit hindi aniya dito dapat magtapos ang lahat bagkus ay kailangang ipakita ng administrasyong Aquino na wala itong kinikilingan at kinakampihan na kahit ang mga kaalyado ay dapat ding makasuhan basta’t mapatunayang sangkot sa naturang scam.


Ang hamon ngayon ni Atienza sa Commission on Audit at sa Ombudsman, kalkalin ang maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas hindi lamang sa panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kundi mula noon hanggang sa 2013.


“Finally naisampa na ang kaso. This is good for the whim of justice para mapatunayan sino ba talaga ang may kasalanan. Pero hindi dapat matigil d’yan, dapat from the beginning up to 2013, imbestigahan para lahat ng nakinabang sa kaban ng bayan, kakampi o hindi ng administrasyon ay mapanagot. Para after this scandal of the centrury mabago na ang sistema,” ayon kay Atienza sa Lingguhang Balitaan sa Serye.


Matatandaan na ang inilabas na report ng COA hinggil sa pork barrel ay limitado lang hanggang 2010 na giit ni Atienza, kailangan maging patas ang kasalukuyang administrasyon at huwag ang tingnan kung kakampi o hindi.


Nauna rito, kagyat na nagbigay ng tiwala sina House Speaker Feliciano Belmonte, CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna at AKO BICOL Partylist Rep. Rodel Batocabe na matibay at pinag-aralang mabuti ang isinampang kaso ng Ombudsman laban sa tatlong senador sa Sandiganbayan.


Aminado si Belmonte na hindi magiging madali o mabilis ang proseso upang mai-convict ang mga may sala sa pork barrel scam.


Sinabi naman ni Batocabe na pagkakataon na ito para sa mga akusado na gawin ang lahat ng ligal na paraan para idepensa ang kanilang sarili.


The post Ombudsman, sinaluduhan ng mga kongresista appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ombudsman, sinaluduhan ng mga kongresista


No comments:

Post a Comment