Monday, April 7, 2014

Napoles sasalang na sa biopsy mamayag gabi

SASAILALIM na sa biopsy procedure mamayang alas-6:00 ng gabi si Janet Napoles sa Ospital ng Makati.


Ito ang kinumpirma ng kampo ng itinuturong pork barrel queen matapos mabigyan ng clearance na gawin ang procedure nitong Lunes.


Ibig sabihin nito, tulad ng unang inihayag ng mga kinatawan ng OsMak sa pangunguna nina Dr. Perry Peralta at Dr. Florentina Villanueva, nakakuha na ng “consent” ang mga doktor ni Napoles mula sa kliyente para isagawa na ang biopsy.


Sa prosesong ito, kukunan ng sample ng tissue ang pasyente na siyang susuriin ng mga doktor.


Sa ganitong paraan, malalaman kung cancerous o hindi ang nakitang bukol sa matris ng pork barrel queen.


Makatutulong umano ang biopsy para matukoy ang “extent” ng susunod na gagawing operasyon kay Napoles.


The post Napoles sasalang na sa biopsy mamayag gabi appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Napoles sasalang na sa biopsy mamayag gabi


No comments:

Post a Comment