Monday, April 7, 2014

Kambal itinumba sa Ilocos

SOLSONA, ILOCOS NORTE – Patay ang kambal na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Barangay Catangraran, Solsona, Ilocos Norte kahapon.


Dead-on-the spot sina Nestor Tagapuen, 54, at kambal nitong si Rudy, parehong taga-Barangay Catangraran.


Ayon kay Solsona police chief Sr. Insp. Denver Alidao, kumakain ang mga biktima sa labas ng kanilang bahay nang lumapit ang suspek na agad bumunot ng baril at pinaputukan ang mga biktima.


Inaalam na ang motibo sa krimen.


The post Kambal itinumba sa Ilocos appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kambal itinumba sa Ilocos


No comments:

Post a Comment