BINALONAN, PANGASINAN – Dahil lamang sa ayaw bumili ng alak kaya pinatay ng isang anak ang kanyang sariling nanay sa Barangay Bugayong, Binalonan, Pangasinan.
Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa pinakamalapit na ospital ay si Erlinda Sermese, 57, ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon, lasing na ang suspek na si Virgilio at kapatid nitong si Wilson nang magpabili pa ng alak sa kanyang nanay pero tumanggi ito.
Dahil bitin, nagalit ang suspek at kumuha ng itak saka inundayan ng saksak ang kanyang nanay sa dibdib.
Agad namang naaresto ang suspek makaraan ang krimen.
The post Nanay na ayaw bumili ng alak, tinodas ng anak appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment