Saturday, April 5, 2014

Nalaos na teenstar sa big network pinalayas sa fashion show

HINDI na masyadong makaarte ang dati’y sikat na teenstar sa malaking network dahil wala na itong serye sa malaking network kaya panay pag-iinarte na lang ang ginagawa nito.


Kagaya nang ginawa nito sa isang fashion show ng isang clothing line kamakailan kung saan isa siya sa endorser. Ayaw daw rumampa ang hitad na may kasabay dahil sikat daw siya at siya lamang ang tanging artista mula sa big network sa kabilang (may ilang talent din sa ibang istasyon siyang kasabay at endorser din ng naturang mga damit) istasyon.


Well, sikat siya noon, pero ngayon ay laos na siya at itong mga inisnab niyang kasabay niya sa pagrampa ay ‘di hamak na mas kilala na kumpara sa kanya.


Anyway, sa kabila nang orihinal siyang modelo ng nabanggit na clothing company, hindi siya pinakinggan ng organizer. Sa halip ay winarningan siya na kung hindi siya susunod ay mas mabuting lumayas na raw siya sa show. Sadyang may katigasan ang ulo ng teenstar na ‘to at feeling sikat pa rin kaya umiskapo na lamang sa event kesa gawin ang pinagagawa sa kanya.


***


VHONG AYAW TANTANAN NG MGA KALABAN


WALANG pakialam si Vhong Navarro sa bagong reklamong kinahaharap. Masaya pa rin siyang nag-host ng Its Showtime kahapon habang naka-headline sa ilang tabloid ang pangatlong biktima raw niya.


Inaasahan na kasi ni Vhong na may darating pang mga katulad na kaso.

Hindi rin naman apektado ang kanyang career dahil tuloy-tuloy ang kanyang mga proyekto.


Ang kanyang popularidad ay hindi nabawasan. In fact, ang kanyang latest movie na Da Possessed under Star Cinema ay box-office hit.


Anyway, going back sa kanyang laban tungkol sa mga kasong rape, may narinig kaming tsismis mula sa isang mapagkakatiwalaang source na may reklamo na naman daw ang lilitaw kasunod ng pangatlong kasong ito at ang biktima ay mula raw sa Davao kaya ang kaso ay isasampa rin doon.


Hindi raw talaga tatantanan ang dancer/host/comedian ng kanyang mga kalaban. Nakahanda raw ang mga ito na gumastos ng malaki. At ang sabi’y bale siyam na biktima raw ang kausap na ngayon ng kabilang kampo para isa-isang magreklamo laban sa una.


***


For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Nalaos na teenstar sa big network pinalayas sa fashion show appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Nalaos na teenstar sa big network pinalayas sa fashion show


No comments:

Post a Comment