Saturday, April 5, 2014

Mabait, etchosera lang!

WHAT’S this we heard na nagwala na naman daw itong si Anne Curtis nang malasing sa birthday party ni Vice Ganda kamakailan at pinagtripan daw si Sam Concepcion na boyfriend ng kanyang kapatid na si Jasmine. Tinalak-talakan kuno itong si Sam kasama na ang panghihiya at inalipusta kuno ng bonggang-bongga.


Inamin naman daw ng babaeng isda ang kalahating katawan na tinalakan niya ito pero wala raw pagmamaliit sa pagkatao ng binata. Ang kaso, pinaninindigan ng mga nakasaksi ang mga sinasabi ni Anne na masasakit.

Hindi raw kuno gusto ni Anne si Sam dahil sa status ng buhay nito na hindi mayaman ang pinanggalingang angkan.


Naman! May ganyan ba? Kaya galit ngayon ang mga fans ni Sam kay Anne at binansagan nila itong babaeng Baron Geisler kasi raw kapag nakalunok na raw ang seksi star ng isang basong ginebra ay nagiging war freak ito.


“Dapat sigurong iwasan ni Anne Curtis ang malasing dahil nawawala ito sa kanyang sarili. Ayaw naming isipin na walang kadisentehan at nagiging cheap siya sa paningin ng marami. Mukhang class lang pala kung titingnan ang mestisang Australyana pero katsipan ang pinaggagawa kapag nalalasing,” giit pa ng fan ni Sam Concepcion.


May nakasaksi sa mga naroroon nang kausapin ni Anne Curtis si Sam at pinalayas sa party (na akala mo raw ay pa-party niya ito. Umiiyak daw ang binata na umaalis sa party ni Vice. May katotohanan ba talaga ang balitang ito? May nilinaw na raw si Anne na hindi raw niya nilait-lait ang boyfriend ng kanyang kapatid kundi sinabihan lang daw niya ng take good care of my sister.


Talaga?

-0-


OKAY ang naging resulta ng opening day ng showing ng pelikula ni Shalala Reyes ang Etchoserang Frog ayon sa director ng pelikula. Walang nag-pullout. Ibig lang sabihin nito, tinatangkilik ang nasabing pelikula.

Nagkaroon na kasi ng word by mouth kahit na walang masyadong promo at publicity.


Kaya naman namin isinusulat ang pelikulang Etchoserang Frog ay dahil mabait naman kasi ang bida at etchosera lang. Hahahaha! Joke lang. Ciao Bambino!


The post Mabait, etchosera lang! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mabait, etchosera lang!


No comments:

Post a Comment