KASABAY ng pagdiriwang ng World Health Day, pormal na ring inilunsad ng Department of Health (DOH) ang kanilang “Mosquito Dance.”
Mismong sina Health Secretary Enrique Ona, Assistant Secretary Eric Tayag at ilang miyembro ng World Health Organization (WHO) ang nanguna sa pagsasayaw kontra lamok.
Ayon sa DOH, makatutulong ang Mosquito Dance upang magkaroon ng mas malawak na atensyon ang kampanya ng ahensya laban sa mga lamok at sa dulot nitong mga sakit sa mga mamamayan tulad ng malaria, dengue at chikungunya.
Batay sa datos ng WHO, nakakaapekto ang mga naturang sakit sa 2.5 bilyong biktima sa 100 bansa o halos 40% ng populasyon ng buong mundo.
Nitong mga nakaraang linggo, madami ang naitalang kaso ng pagdami ng lamok sa ilang bahagi ng bansa.
Payo naman ng DOH, makakatulong sa paglaban ng sakit ang paggamit ng screen sa bahay at ng insect repellent, pagsuot ng long sleeve shirt at pantalon, at paggamit ng kulambo.
Pinakamainam rin kung hahanapin at lilinisin ang mga lugar na pinamumugaran at pinangingitlugan ng lamok.
The post ‘Mosquito Dance’ inilunsad ng DoH appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment