SA Huwebes tatama sa kalupaan ng Surigao provinces ang bagyong Domeng.
Sa ngayon, wala namang pagbabago sa lakas at direksyon nito habang papalapit sa Surigao provinces.
Sa inilabas na 11 am weather bulletin ng PAGASA, pumapalo pa rin sa 65 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna ang lakas ng hangin ng bagyo at may pagbugsong umaabot pa rin sa 80 kph.
Mabagal pa rin itong kumikilos pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Huli itong namataan sa layong 770 kilometro silangan ng Davao City.
Ito ay kung hind aniya magbabago ng lakas at direksyon ang bagyo.
Sa Biyernes naman ng umaga ay inaasahan na itong nasa Sulu Sea.
Posibleng bagtasin din nito ang Northern Mindanao, southern Cebu, southern Negros at diresto sa Northern Palawan.
Sa ngayon, wala pang nakataas na storm warning signal sa mga lalawigan sa anomang parte ng bansa dahil sa malayo pa ang bagyo.
Ngunit sinabi ni Paciente na “baka mag-raise tayo ng signal number 1 mamayang gabi pa o bukas ng madaling araw.”
Sa ngayon, maliit ang tsansang lumakas ang bagyo dahil pahalang ang porma nito bunsod ng malakas na hangin sa itaas na tumutulak sa mga kaulapan nito, na siyang may dalang ulan.
Samantala, napag-alaman na si ‘Domeng’ ang pinakahuling bagyong tumama sa bansa sa buwan ng Abril sa nakalipas na tatlong taon.
Bagama’t hindi ito maituturing na ‘unusual’, sinabi ng PAGASA na mas ikinagulat nilang nabuo ang bagyo sa latitude na malapit sa equator.
The post ‘Domeng’ magla-landfall sa Surigao sa Huwebes appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment