Friday, April 4, 2014

Minero pinagbabaril habang nagmimina

HINDI pa matukoy ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa pamamaril sa isang minero sa isang lalawigan ng Masbate.


Ang biktima ay kinilalang si Emeterio Amaro, dead-on-the spot habang nasa gitna ng pagmimina sa Bgy. Igang, Masbate City.


Sa imbestigasyon, napag-alaman na abala ang biktima kasama ang ilan pang mga minero sa paghuhukay nang bigla na lamang may lumapit na armadong lalaki sa kanilang kinatatayuan.


Hindi na ito nagsalita pa sa halip ay agad na pinaulanan ng bala si Amaro.


Wala na ring nagawa ang mga kasamahan nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa kanilang nasaksihan.


Agad na tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Barangay Biyong Masbate City.


Pinagpapatuloy pa ang malalim na imbestigasyon sa krimen.


The post Minero pinagbabaril habang nagmimina appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Minero pinagbabaril habang nagmimina


No comments:

Post a Comment