Friday, April 4, 2014

Magsasaka gutay sa sumabog na granada

INAALAM pa ng pulisya ang dahilan ng pagpapasabog ng granada sa isang magsasaka sa Bgy. Natumolan, Tagoloan, Misamis Oriental na nagresulta sa kanyang kamatayan.


Kinilala ang namatay na si Eusebio Nagangga, 67, ng Purok 7, Barangay Poblacion, Villanueva.


Sa imbestigasyon, naglilinis ng lupain ang biktima nang may sumabog na granada.


Inaalam ng pulisya kung hinagisan ng granda ang biktima o may nahukay itong bomba na agad sumabog.


Sinisilip din ang motibong pagpatay sa biktima dahil may kaaway umano ito dahil sa lupa.


The post Magsasaka gutay sa sumabog na granada appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Magsasaka gutay sa sumabog na granada


No comments:

Post a Comment