Monday, April 7, 2014

Lisensiya ng baril para sa mediamen pinaluluwagan

HINIMOK ni Samar Congressman Mel Senen Sarmiento ang Philippine National Police (PNP) na bigyan ng special exceptions sa ipinatutupad na gun licensing requirement para sa journalists.


Ito ay kasunod ng panibagong pagpaslang sa correspondent ng Remate na si Rubie Garcia dahil sa uri aniya ng propesyon ng mga media practitioners at iba pang “high-risk” professions na hindi naman miyembro ng PNP o Armed Forces of the Philippines.


Banggit pa ni Sarmiento na maraming media practitioners ang nahaharap sa kasong libelo na nagpapahirap kapag kuhanan na ng court at National Bureau of Investigation (NBI) clearance na requirement na nakasaad sa Republic Act 10591 o kilala bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


Hindi lamang ayon kay Sarmiento ang mga media practitioners na mapanganib ang uri ng propesyon kung maging ang mga nasa judiciary gaya ng court sherrifs, prosecutors at judges ay dapat ding mabigyan ng special exceptions sa gun-licensing requirement.


Imposible rin ayon kay Sarmiento na maprotektahan ng PNP ang journalists laban sa posibleng pagpaslang gayundin sa mga nasa hudikatura kundi ang maarmasan din ang mga ito.


Si Garcia ay binaril sa loob mismo ng kanyang bahay sa harap ng kanyang mga anak sa Bacoor, Cavite noong Linggo.


Pinuri naman ni Sarmiento ang mabilis na aksyon ng PNP nang bumuo ito ng ‘special investigation task group’ na hahawak sa kaso ng pagpatay kay Garcia.


The post Lisensiya ng baril para sa mediamen pinaluluwagan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lisensiya ng baril para sa mediamen pinaluluwagan


No comments:

Post a Comment