TINARAK nina Pinoy Grandmasters John Paul Gomez at Richard Bitoon ang magkahiwalay na draw upang makisalo sa second to eighth place sa nagaganap na DYTM Raja Nazrin Shah KL International Open Chess Championships 2014 sa Malaysia.
Nakipaghatian ng puntos sa round five sina No. 3 seed Gomez (elo 2524) at ranked No. 20 Bitoon (elo 2414) kina GMs Nguyen Anh Dung (elo 2453) ng Vietnam at Venkatesh M.R. (elo 2515) ng India ayon sa pagkakasunod upang ilista ang 4.0 points sa event na ipinatutupad ang nine rounds swiss system.
Bukod kina Gomez, Bitoon, Nguyen at Dung, ang ibang four-pointers ay sina GM Niaz Murshed (elo 2464) ng Bangladesh at IMs Nguyen Huynh Minh Huy (elo 2474) ng Vietnam at Moulthun Ly (elo 2440) ng Australia.
Mag-isa sa unahan ang top seed at super GM Sergei Tiviakov (elo 2651) ng the Netherlands matapos kaldagin si GM R.R. Laxman (elo 2449) ng India sa 34 moves ng Bishop Opening.
Tangan ni Tiviakov ang 4.5 points papasok ng six round kung saan ay makakalaban niya ang Pinoy na si Gomez.
Ang ibang woodpushers na sumisipa pa sa labanan ay sina IM Rolando Nolte (elo 2417) at FMs Haridas Pascua (elo 2375) at Mari Joseph Turqueza (elo 2295) na nakikipagsiksikan sa ninth to 20th place bitbit ang 3.5 pts.
Nanaig si Pascua kay Yoseph R. Majella (elo 2278) ng Indonesia habang table ang laban nina Turqueza at Nolte kina IMs Kirill Kuderinov (elo 2448) ng Kazakhstan at Bhuvanesh Ramnath (elo 2408) ng India.
The post Gomez at Bitoon bumibira sa DYTM Chess appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment