PATAY sa taga ng 16-anyos na anak ng ka-live-in ang 37-anyos na lalaki sa Calabanga, Camarines Sur.
Nakilala ang biktima na si Rodel Orobio Robles, ng Barangay Kamuning.
Sa report, alas-10:30 kagabi nang mangyari ang insidente sa bahay ng isang Rey Alvarez, ang kapatid ng live-in partner ng biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang pagkakahiwalay ng mga magulang ng binatilyo ang ugat ng pangyayari, na ang biktima umano ang naging dahilan.
Nagtamo ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Robles na naging dahilan sa agarang pagkamatay ng biktima.
Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang binatilyo na agad tumakas matapos ang insidente.
The post Kelot pinatay ng 16-anyos sa CamSur appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment