ISANG linggo matapos mapaulat ang Ebola outbreak sa West Africa, inanunsyo ngayon ng UN World Health Organization (WHO) na pumalo na sa mahigit 100 ang bilang ng death toll bunsod ng nasabing virus.
Ayon sa WHO, ito na ang maituturing nilang “most challenging” outbreak ng Ebola na kanilang tinututukan.
Sa record ng ahensya, mula 57, ay umakyat na sa 101 ang bilang ng mga nasawi sa Guinea na siya ring sentro ng nakamamatay na virus habang 10 naman sa Liberia.
Tatagal pa ng tatlo hanggang apat na buwan bago masabi ng World Health Organization na ligtas na ang West Africa sa Ebola virus.
Sa ngayon ay may 157 suspected cases ang naitala sa Guinea at 67 dito ang kumpirmadong Ebola.
Ang Ebola ay itinuturing na isa sa “deadliest” virus sa mundo.
Nagdudulot ito ng hemorrhagic fever kung saan 90 percent ng mga nakakapitan ay namamatay.
Kumakalat ang virus sa dugo at pinapabagsak ang immune system sanhi ng lagnat, sakit ng ulo at pananakit ng kalamnan na kadalasan ay sinasabayan ng pagdurugo.
Ang Ebola ay hango sa Ebola River sa Congo kung saan unang natukoy ang outbreak ng virus noong 1976.
The post 100 patay sa Ebola outbreak sa Africa appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment