Tuesday, April 1, 2014

Kelot, patay sa tarak ng kargador

PATAY ang isang 23 anyos na helper nang saksakin ng ‘di nakilalang suspek kagabi sa Sampaloc, Maynila.


Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Joel Reyes, alyas Kulot, binata at nakatira sa 1709 Dapitan St.,Sampaloc, Maynila.


Sa report ni SPO1 Charles John Duran, alas-11:50 kagabi nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.


Nauna rito, nagdidiskarga umano ng idiniliver na semento ang isang nakilala lamang sa pangalang Delos Santos sa Mt. Fuji Hardware nang tamaan ang biktima na bahagya nitong ikinasugat.


Nagalit umano ang biktima hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo.


Isang Rubister Claor naman ang umawat sa dalawa at sinabihan ang biktima na pumasok na lamang sa kanilang bahay ngunit muli itong lumabas dala ang bote ng red horse.


Noon din, may hawak na ring patalim ang suspek at biglang tumalon sa truck sabay saksak sa biktima.


Dahil dito, agad isinugod sa ospital ang biktima ngunit ‘di na umabot ng buhay habang nakatakas sakay ng truck ang suspek.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang inaalam ang buong pagkakilanlan ng suspek.


The post Kelot, patay sa tarak ng kargador appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot, patay sa tarak ng kargador


No comments:

Post a Comment