Tuesday, April 1, 2014

Pasukan sa Agosto, pinahaharang sa CHED

PINAPIPIGIL ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon sa Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapalit ng academic calendar shift sa ilang unibersidad na sa halip na Hunyo ay gagawing Agosto ang pasukan.


“CHED actually has the power to stop the academic calendar shift, at least for private higher education institutions,” ayon kay Ridon.


Binanggit nito ang mga probisyon sa CHED Memorandum Order No. 40, series of 2008, o ang Manual of Regulations for Private Higher Education Institutions (MORPHE) na nagsasabing “June is the opening date for academic years of all higher education institutions (HEIs) batay sa Section 78.”


Samantala, nakasaad naman aniya sa Section 79 ng MORPHE na “Any change in the prescribed school calendar shall require the approval of the Commission. The application shall be filed with the Regional Office concerned not later than fifteen (15) days before the opening of the school term.”


Kung kailangan aniya ang pagpayag ng CHED sa pagpapalit ng academic calendar ay may kapangyarihan din itong magbasura.


Ang University of the Philippines (UP) at Adamson University (AdU) ay kabilang sa paaralan na Agosto na ang susunod na pasukan.


“Disapproving the proposed calendar shift is the most logical thing to do, considering that even CHED’s technical working group on the issue advised against it,” giit pa ni Ridon.


Binigyang-diin pa ng kongresista na hindi kailangang maging malambot ang CHED sa usaping ito kundi dapat na maglabas ng posisyon ukol dito.


“We urge CHED not only to advise against the academic calendar shift, but to rule against any and all proposals for such,” ani Ridon.


The post Pasukan sa Agosto, pinahaharang sa CHED appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pasukan sa Agosto, pinahaharang sa CHED


No comments:

Post a Comment