SINABI ni Justice Secretary Leila de Lima, sapat ang mga ebidensya na hawak ng DoJ panel of prosecutors laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee, at limang iba pa na kasama sa nangyaring pambubugbog sa TV host-actor na si Vhong Navarro noong Enero 22, 2014 sa Forbeswoods Condominium sa Taguig City.
Ayon kay De Lima, kabilang sa naging basehan ng DoJ sa pagrekomenda ng kaso laban sa grupo ni Cornejo at Lee ay ang consolidated resolution kaugnay sa kasong serious illegal detention at grave coercion.
Kaugnay nito, inaasahan din mula ngayon ang pagpalabas ng warrant of arrest laban sa mga nakasuhan na nambugbog sa aktor matapos na isampa ang kaso sa Taguig City RTC.
Nabatid na maliban kina Cedric at Deniece, kasama rin sa kinasuhan ng kasong serious illegal detention at grave coercion sina Bernice Lee, Simeon Raz, Jose Paolo Calma, Ferdinand Guerrero at Jed Fernandez.
Ang kasong serious illegal detention ay isang non-bailable offense o walang piyansa.
Samantala, absuwelto naman sa kasong obstruction of justice ang mga security guard ng Forbeswoods Condominium dahil walang probable cause para sampahan ng kaso sa korte sina Maximo Meregildo, Romeo Nevado, Jeffrey Viniegas at Roderick Garbin.
Ibinasura rin ng DOJ ang kasong threatening to publish and offer to prevent publication for compensation na inihain laban kina Lee, Cornejo at limang kasamahan dahil sa kawalan ng ebidensya para maisulong ang nasabing kaso.
Ang mga reklamo namang serious physical injuries, grave threats at illegal arrest na inihain ni Navarro laban sa grupo ni Lee at Cornejo ay nakapaloob sa kasong serious illegal detention na isinampa laban sa kanila.
Samantala ibinasura naman ng DoJ ang kasong rape na isinampa ni Cornejo laban sa TV host.
Ito’y batay sa inilabas na resolusyon ng panel of prosecutors na siyang may hawak sa kaso.
The post Kaso vs Cornejo, Lee, at iba pa pinanindigan ng DoJ appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment