Monday, April 7, 2014

Kaso ng sunog ngayong 2014 sa NCR bumaba

BUMABA sa 28 ang bilang ng kaso ng sunog ang naitala sa Metro Manila ng Bureau of Fire Protection (BFP) simula Enero hanggang Marso ng kasalukuyan taon.


Ito ang sinabi kanina, Lunes, Abril 7, ni BFP officer in-charge chief Supt. Carlito Romero na mas mababa umano ang bilang ng mga sunog na naitala ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.


Sinabi ni Romero na nitong nakalipas na 2013, umabot sa 646 ang naitalang bilang ng sunog sa NCR.


Subalit ngayong taon, simula Enero hanggang Marso 2014, nakapagtala lamang ng 618 na bilang ng sunog sa Kamaynilaan.


Ayon sa OIC ng BFP, bunga ito ng pagiging masunurin ng publiko sa kanilang mga paalala, babala at programa kung paano makakaiwas sa sunog ang mga mamamayan.


Nabatid pa kay Romero na patunay umano ito sa ibayong pagpapatupad ng BFP sa programang “laban-iwas sa mapaminsalang sunog” ngayong fire prevention month na masusing ipinatupad sa lahat ng mga lugar, lungsod at barangay.


Sinabi pa ni Romero na malaki rin ang naitulong ng ugnayan ng barangay at NGOs group sa pagpapatupad ng programa ng BFP sa pagsugpo sa lahat ng insidente ng sunog.


Umapela rin ang BFP sa publiko na makiisa sa programa ng ahensya na iwasan at sugpuin ang sunog na kadalasang nagaganap tuwing sasapit ang “fire prevention month.


The post Kaso ng sunog ngayong 2014 sa NCR bumaba appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kaso ng sunog ngayong 2014 sa NCR bumaba


No comments:

Post a Comment