Wednesday, April 2, 2014

Hindi kumportable sa pagbabalik-show business

MAY takot pa rin si Vhong Navarro sa kinasangkutan nitong malaking kontrobersiya na gumimbal sa buong industriya lalo na ngayon na hindi pa ito naka-move on ‘ika nga dahil hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin nito ang kanyang pinagdaanan lalo pa’t wala siyang kasiguruhan kung kelan matatapos ang lahat.


“Kahit matapos na po, hindi pa natin alam kung matatapos ‘yun hanggang doon,” pagdududa nito.


Sa ginanap na grand presscon para sa Da Possessed sa Dolphy Theater ay inamin ni Vhong na nahirapan siyang magpaliwanag sa harap ng press dahil hindi nito alam kung ano ang naging reaksyon ng tao sa kanyang pagbabalik.


Nahihirapan siya sa kanyang pagbabalik sa showbiz, ang pakonswelo lamang niya ay ang mga magagandang mensahe para sa kanya na kanyang nababasa sa social media at mga taong nakikita nito tuwing lumalabas siya.


“Masaya ako at nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap at pagtitiwala muli sa akin. Kasi ang nangyari sa akin parang pelikula na, eh, hindi ko iniisip noon, puwede pala mangyari sa akin.


“Kumbaga, napapanood ko lang ‘to at sa mga pelikula. Basta ang pinakagusto kong mangyari kasi rito, matapos, malagpasan at ayaw kong maulit uli.”


Base sa tema ng pelikula na tungkol sa possession, inamin ng aktor na na-possess siya sa kagandahan ng kanyang leading lady na ni Solenn Heusaff dahil ito ang dahilan kung bakit nalagpasan niya ang lahat.


Nagbunga ang plano ni Direk Bb. Joyce Bernal na pinagsama ang dalawa sa iisang kuwarto. Hence, gusto daw nitong laging tumitig sa sexy actress.


“Kasi kailangang maipakita mong inlove ako sa isang tao at kay Solenn nga pero noong time na nagsu-shoot kami ay nahirapan akong ipahayag ito kasi pakiramdam ko, para akong nagsisimulang muli. Hindi ko agad nakukuha ang gan’un tulad ng dati.

“Kumbaga, kailangan kong ibalik ang kumpiyansa kong nawala,” pahayag nito.


Medyo behave lang ng konti si Vhong noong preskon at kung nagpatawa man ito ay naramdaman namin na kontrolado ito. Tulad ng pang-iinggit nito sa kanyang co-actors on stage like Joey Marquez, Empoy and Smokey Manaloto nang bigla siyang nag “Bhe!” sa mga ito pagkatapos sabihin ni Solenn na masarap kahalikan ang komedyante dahil malambot ang labi nito.


Sabe nga ng aktres, “As a kisser, yes very good. Very good. Ma-appeal, very funny and at the same time, very seryoso. ‘Yan ang importante sa mga lalaki para sa akin. Pati ang pagsasayaw nito at pag-poporma.”


Sa puntong ito, naniniwala si Vhong na kawawa raw silang mga komedyante dahil napupuri lang sila sa kanilang pagpapatawa base sa naging pahayag ng kanyang seksing kapareha.


“Si Solenn, para sa akin ay may timing sa comedy. Siya ay poker face rin na hindi niya kailangan magpatawa pero kaya niyang ibigay sa salita o sa dialogue. Maganda sa timing at marami pang mga bagay na ipakikita niya rito na hindi niya nagawa sa ibang pelikula.”


Sa pelikulang Da Possessed na joint project ng Star Cinema at Regal Films ay muli na namang pinagsama ang certified blockbuster director na si Bb. Joyce Bernal at Vhong Navarro pagkatapos ng D’ Anothers noong 2003 na nasundan ng Mr. Suave (2005) at Agent X-44 (2007).


Bahagi ang Da Possessed sa on-going na selebrasyon ng Star Cinema sa kanilang ika-20th na anibersaryo nito at tampok din sa pelikula maliban kina Joey, Smokey at Empoy, sina John Lapus, Beverly Salviejo, Lito Pimentel, Joy Viado, Aaleyah Belmoro at Matet de Leon.


Mapapanood ang pelikula sa April 19 nationwide.


The post Hindi kumportable sa pagbabalik-show business appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Hindi kumportable sa pagbabalik-show business


No comments:

Post a Comment