KALABOSO ang isang lolo matapos ireklamo ng panghahalay ng dalagitang tindera ng kutkutin kapalit ng P200 sa Caloocan City, Martes ng hapon, Abril 1.
Nahaharap sa kasong rape in relation to child abuse si Francisco Capati, 56 ng Sabalo St., nasabing lungsod.
Sa pahayag ng biktimang edad 13, alas-4:50 ng hapon, naglalako siya ng paninda sa lugar ng suspek nang tawagin ng huli at pinapasok sa loob ng bahay dahil bibili ng mani.
Habang nasa loob ay dinamba ng suspek ang dalagita sabay pinagbantaan na may masamang mangyayari kapag pumalag.
Walang nagawa ang biktima hanggang sa mahalay at nang makaraos ang suspek ay inabutan siya ng P200 at sinabihan na huwag magsusumbong kanino man.
Nang makauwi ay sinabi ng biktima sa kanyang mga kaanak ang nangyari na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipinadakip ang suspek bago sinampahan ng mga nasabing kaso.
The post 13-anyos tindera ng mani nireyp ng lolo appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment